top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Pinagmumura, sinabihang pangit sa Canada... Kumuyog kay Castro, lagot sa DFA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10
  • 1 min read

ni Mervin Reyes @News | July 10, 2026



Claire Castro sa Canada - Hyenne Tan Circulated

Photo: Claire Castro sa Canada - Hyenne Tan / Circulated



Pinaiimbestigahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang iniulat na pangha-harass kay Palace Press Officer Claire Castro ng ilang Pilipino sa ginawang working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Vancouver, Canada, noong nakaraang linggo.


Inatasan ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ang Philippine Embassy sa Ottawa at ang Philippine Consulate General sa Vancouver na makipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Canada upang alamin ang buong pangyayari at ang ipinatutupad na security protocols para sa mga bumibisitang dayuhang opisyal.


Nag-viral sa social media ang mga video kung saan makikitang sinundan, hinarang at pinagmumura si Castro ng mga nagpoprotesta.


Sa kabila nito, sinabi ni Castro na hindi na magsasampa ng reklamo ang delegasyon ng Pilipinas dahil iginagalang nito ang karapatan sa malayang pagpapahayag. Inamin din niyang nagulat siya sa asal ng mga nagprotesta, ngunit pinili na lamang na huwag patulan ang mga ito.


Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DFA sa mga awtoridad ng Canada habang isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page