top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

“Pinaganda” ng mga Cong. ang Plenary Hall ni P-BBM para “maganda” rin ang pork barrel nila?!

BULGAR
Jul 25, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 25, 2022


PLENARY HALL NA PAGDARAUSAN NG SONA NI P-BBM, GINASTUSAN NG P100-M—Ibinida ng Kongreso na higit P100 milyon ang kanilang ginasta sa pagpapaganda ng plenary hall na pagdarausan ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos.


Hanep kung gumasta, palibhasa ay hindi nila pera ang ginastos kundi pera ng taumbayan kaya’t walang pakialam ang mga namumuno sa Kongreso na gastusan ng mahigit P100-M ang plenary hall na pagdarausan ng SONA ni PBBM, kahit pa milyun-milyong Pinoy ang naghihirap at nakararanasan ng gutom ngayong panahon ng krisis.


◘◘◘


BAKA KAYA PINAGANDA ANG PLENARY HALL SA SONA NI P-BBM PARA MAGING ‘MAGANDA’ RIN ANG MATATANGGAP NA ‘PORK’ NG MGA CONG.?—Ano kaya ang dahilan at naisip ng mga kongresista na gastusan ng higit P100-M ang plenary hall para gumanda ang tingin ni P-BBM sa lugar na pagdarausan ng kanyang first SONA?


Ang dahilan kaya ay para “maganda” rin ang halagang ibibigay ng Marcos administration sa pork barrel ng mga politicians?


◘◘◘


PRAYORIDAD NG MGA SEN. AT CONG. NA ALISAN NG KARAPATAN ANG MAMAMAYAN NA PUMILI NG MGA NAIS NILANG MAMUNO SA KANILANG BARANGAY—Pagkatapos ng SONA ni P-BBM, isa sa mga posibleng unang prayoridad na gawin ng mga senador at kongresista ay alisan ng karapatan ang mamamayan na pumili ng mga nais nilang manungkulan sa kanilang barangay.


May isinalang na kasing panukala sina Sen. Chiz Escudero at Leyte Rep. Richard Gomez na ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sana sa Dec. 5, 2022.


◘◘◘


DAPAT ABANGAN NG PUBLIKO SA SONA NI P-BBM KUNG TULOY BA O HINDI ANG BARANGAY & SK ELECTIONS—Sa SONA ni P-BBM, isa sa mga dapat pakaabangan ng publiko ay kung aprub o hindi sa pangulo ang mga panukalang ipagpaliban ang halalang pambarangay.


Kapag sinabi ni P-BBM na tuloy ang barangay at SK elections, tiyak na ikatutuwa ‘yan ng mamamayan, pero kapag sinabi ng pangulo na pabor siyang ipagpaliban ang halalang pambarangay, ang mga matutuwa riyan, siyempre ay ang mga kurakot at pabayang bgy. officials kasi kahit isinusuka na sila sa mga barangay ay nasa poder pa rin sila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page