top of page
FRANKLY - IYAKAN N’YO ANG NINANAKAWANG PILIPINO - KAREN-IG _iamkarendavila.jpg

Piktyur, inilabas sa socmed… PDA NINA ATASHA AT JACOB SA KASAL NG ANAK NI RAMON ANG, BUKING!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | june 3, 2026



Piktyur, inilabas sa socmed… 
PDA NINA ATASHA AT JACOB SA KASAL NG ANAK NI RAMON ANG, BUKING!

Photo: Circulated



Maraming netizens ang natuwa kay San Juan City Mayor Francis Zamora dahil nagmistula raw itong ‘paparazzi at dakilang Marites’ nang personal nga nitong i-post sa kanyang socmed (social media) account ang mga kuhang larawan sa kasal ng anak ni San Miguel Beer top honcho Ramon S. Ang.


Aliw na aliw nga ang mga netizens sa post ni Mayor ng mga kuhang larawan ni Atasha Muhlach at napapabalitang boyfriend nitong si Jacob Ang, kapatid ng ikinasal at sinasabing assistant ngayon ng kanyang ama sa mga negosyo at organisasyon sa San Miguel Corporation.


Last year pa napabalitang nagkakamabutihan ang anak nina Aga at Charlene Muhlach at ang binata ni Sir RSA. 


Katunayan nga riyan ang mga nag-viral na ring larawan ng ‘family dinner’ nila at ilan pang okasyon.


But this time, tila kahit ang San Juan City mayor ay kinilig sa nakitang sweetness nina Atasha at Jacob.


Naroon daw na naka-angkla ang mga kamay ni Jacob sa aktres, habang nakasandal naman si Atasha rito.


May emote pa si Mayor Francis na nakipagpiktyuran sa dalawa habang halos hindi raw ito mapaghiwalay at maginoong pinagsisilbihan ng binata ang dalaga.


Noong huli naming makausap si Atasha sa isang event, ngiti lang ang isinagot nito sa amin sa tanong namin kung gaano kasaya ang kanyang puso sa ngayon.


Emojis din ang aming natanggap nang minsan din namin itong mapag-usapan ni Aga Muhlach sa aming mga Messenger accounts. Hahaha!

‘Kaaliw lang!





“NOT at all true, fake news ‘yan,” ang tugon naman sa amin ng aming Kapatid sa TV5 nang tanungin namin ito hinggil sa lumabas na balitang diumano’y lalayas na naman daw uli sa network si Direk Johnny Manahan a.k.a. Mr. M.


Nitong nakaraang weekend kasi ay lumabas din ang tsikang magpapaalam na naman daw muli sa Kapatid Network ang kilalang star builder dahil sa kumalat ngang balita na muling nagkasundo ang ABS-CBN at TV5 sa pagkakaroon uli nila ng ‘collaboration’.


May nagpakalat pa nga ng tsikang malaki ang kinalaman diumano ni Coco Martin (na inintrodyus daw ni Willie Revillame sa mga top bosses ng TV5 dati) dahil sa pagbabalik-serye nito. 


Noon daw kasing napapanood din sa TV5 ang Batang Quiapo (BQ) ay walang makaalagwang shows na katapat  nito. 


At dahil magbabalik nga ang Sigabo, kasama na ang iba pang shows, tila nagkasundo na diumano ang parehong ABS-CBN at TV5 na magkaroon ng timeslot para sa mga respective shows nila na dapat ay mapanood sa parehong platforms.


At dahil may kung ano’ng ‘unresolved issue’ diumano si Mr. M sa ABS-CBN, tila hindi umano ito nagustuhan ng mga nakapaligid sa kanya.


Subali’t ayon nga sa aming impormante na may mataas na katungkulan sa TV5, wala itong katotohanan.


“He is still the man, our man behind STARWORX. Busy sila sa mga training, workshops at iba pang programa to honing the skills, talents and just everything else our artists need. No way na aalis s’ya o aalisin namin s’ya,” tsika ng aming source.





“NOT true,” rin ang simpleng pagtatanggol naman ni Susan Enriquez kay Matteo Guidicelli na pinaratangan ng mga bashers na mahirap katrabaho at mayroon na umanong ‘attitude’.


Sa kumalat ding tsika na wala na ito sa Bilyonaryo News Channel (BNC), walang kumpirmasyon kung sanhi ba ito ng umano’y hindi nito pagpapaalam sa management ng BNC sa 12+ series documentary nitong ginawa sa TV5 pati na ang naging guesting nito sa isang news program ng TV5 na katapat pa ng sarili nitong news program na Agenda sa BNC.


“Bahala sila r’yan. Bahala na s’ya,” ang simple ring komento ng nakausap namin sa BNC tungkol sa balitang tinanggal na nila ang aktor-host sa network nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page