top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pictures ng bakasyon sa Caliraya Lake, kumalat…JANE, NAGSALITA NA SA RELASYON NILA NI RK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 10, 2021
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 10, 2021





Isang malakas na tawa ang sagot ni Jane Oineza sa tanong sa kanya kung sila na ni RK Bagatsing dahil napansin ng mga netizens ang kani-kanya nilang post sa kanilang Instagram account na pareho silang nasa Caliraya Lake, sa Aquascape floating cottage.


Sagot ng aktres, “Hahaha, kung ano na lang po ‘yung nakikita n’yo, ‘yun na po ‘yun. Basta po happy po ako with Gen Z, with all the blessings na nangyayari ngayon at sa life.”


Tanda namin sa presscon ng pelikula nilang US Again na idinirek ni Joy Aquino for Regal Films ay inamin nilang crush nila ang isa’t isa at pareho silang single noon kaya nagkakatuksuhan na natatawa naman sila.


Naipalabas ang pelikula nu'ng Pebrero 26, 2020 bago mag-lockdown ang Pilipinas dahil sa Covid 19 pandemic at nahinto lahat ng shootings/tapings at maraming nawalan ng trabaho kaya wala na ring narinig mula kina Jane at RK.


Kaya sa Gen Z mediacon, natanong ang aktres sa real score nila ni RK.


Anyway, kabilang si Jane sa Generation Z kaya excited siya sa karakter niya bilang si Matet sa bagong young adult series na Gen Z sa TV5 mula sa direksiyon ni Joy Aquino handog ng Cignal Entertainment at Regal Films.


Mahusay na aktres si Jane kaya ano ang bago niyang ipapakita sa Gen Z?


“Lahat naman po ng ginagawa kong trabaho ay laging something new to me and ibang production o ibang team o ibang cast. Lahat, may bago pa ring makukuha o matututunan. I try to do something new din naman kahit halos may nagawa na akong ganu’n before.


“It's challenging kasi you wanna show kung paano talaga ‘yung mga Gen Z ngayon at ano ‘yung mga struggles nila o dinadaanan nila at gusto mong maging as truthful doon,” kuwento nito.


Makakasama ni Jane ang mga kapwa niya Gen Z na sina Jerome, Ricci Rivero, Melizza Jimenez, Chie Filomeno, Kent Gonzales at Darwin Yu. Kasama rin sina Joey Marquez, Angeli Bayani at Teresa Loyzaga.


Umere na ang Gen Z nitong Linggo, Marso 7, sa TV5 at kung may na-miss na episode ay puwede rin itong mapanood tuwing Linggo, 6 PM simula sa March 14 sa One Screen Cignal TV CH. 9 and SatLite CH. 35.


Puwede ring panoorin ang Gen Z nang LIVE at ON-DEMAND sa Cignal Play App. Puwede ring i-stream ang bawat episode for free, mag-register lang sa cignalplay.com and i-download ang app on Android and iOS.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page