top of page
Heart Evangelista.jpg

Photos at video, kumalat… CASSY, NAGSALITA NA SA KASAMANG AFAM SA SIARGAO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Evy Baldago (OJT) @Special Article | June 6, 2026



SPECIAL ARTICLE - CASSY, NAGSALITA NA SA KASAMANG AFAM SA SIARGAO_FB Cassy Legaspi

Photo: FB Cassy Legaspi



Napaamin si Cassy Legaspi matapos mag-viral sa social media ang mga larawan at video na may kasama siyang foreigner sa Siargao.


Dahil alam ng lahat na single ang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, inisip ng mga netizens na dyowa ni Cassy ang kasama niyang namamasyal sa isla.


Pero mabilis namang nilinaw ni Cassy na walang katotohanan ang mga haka-haka.

Ayon sa aktres, kasama lang niya ang grupo ng mga kaibigan sa naturang bakasyon at nagkataong nakuhanan sila ng litrato at video.


Kuwento pa ni Cassy, first time niyang bumisita sa Siargao kaya sinulit niya ang pagkakataong mapuntahan ang mga kilalang pasyalan du’n. Isa na nga ang sikat na Malinao Bridge, na dinarayo ng mga turista at skateboard enthusiasts.


"I’m willing to hit all the tourist spots sa Siargao because, again, I love Siargao. Sabi ko, 'Ano’ng gagawin natin dito?' 'Skateboard tayo.' 'Okay, ikaw muna.' So, my friend skateboarded first. Ako, sabi ko, 'Sige, upo muna ako' and my friend, my friend sat beside me and I didn't know na-picture-an and na-video-han kami," natatawang kuwento ng aktres.

At para tuluyan nang matapos ang usapan, kinumpirma ni Cassy na wala siyang boyfriend sa kasalukuyan.


Kaya sa mga umaasang may bagong inspirasyon si Cassy, sorry na lang, friends lang pala sila. 





MARAMI ang natuwa matapos ibahagi ni Ellen Adarna ang ilan sa mga sweet moments ni John Lloyd Cruz at ng girlfriend nitong si Isabel Santos sa kanilang family getaway kasama siyempre ang anak nilang si Elias at ang bunso ng aktres na si Lili, na anak niya kay Derek Ramsay.


Pero ang mas higit na nakakuha ng atensiyon ng mga netizens ay ang mga videos at larawan nina John Lloyd at Isabel na tila nagpapakita ng maayos at komportableng samahan ng kanilang blended family.


Sa isang Instagram Story, ibinahagi ni Ellen ang nakakatuwang karaoke session ng kanilang grupo.


Habang kinakanta ni Ellen ang Nothing's Gonna Stop Us Now, kinuha ni John Lloyd ang mic upang haranahin si Isabel ng kantang Closer You and I at You'll Be Safe Here.


Kapansin-pansin ang big smile ng aktor habang nakatingin sa GF.

Hindi naman napigilan ni Ellen na kiligin sa eksena.

“Ang tamis. Hahaha!” komento ng aktres sa video.


Maririnig din sa background ang reaksiyon ng ilan nilang kasama na tila kinikilig din sa dalawa.


Bukod sa karaoke session, ibinahagi rin ni Ellen ang ilang larawan nina John Lloyd at Isabel habang nagpapahinga at nag-e-enjoy sa magandang tanawin.

Dahil dito, maraming netizens ang humanga sa magandang samahan nina Ellen, John Lloyd at Isabel.


Magandang halimbawa raw ang kanilang setup pagdating sa healthy co-parenting at mutual respect para sa kapakanan ng kanilang pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page