top of page
BULGARY - MOIRA, UMAMING ALAM ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NINA SAM AT CATRIONA_IG _moiradelat

Phl Women's Soft Tennis, bronze medalist sa 20th Asiad

Writer: BULGAR
BULGAR
18 hours ago
2 min read

by Gerard Arce @Sports News | September 20, 2026



BRONZE medalist ang women's team ng soft tennis sa Asian Games. (pocmedia)

Photo: Bronze medalist ang women's team ng soft tennis sa Asian Games. (pocmedia)



Inihatid ng Philippine Women's Soft Tennis Team ang unang medalya ng Pilipinas na tansong medalya kahapon ng umaga sa 20th Aichi-Nagoya Asian Games na ginanap sa Higashiyama Park Tennis Center sa Nagoya, Japan.


Nakuntento sa third place finish ang women’s team matapos yumuko sa eventual three-peat champions Japan sa iskor na 0-2, na kalauna’y tinalo ang Chinese Taipei sa Finals sa pamamagitan naman ng 2-1.


Hindi nakaporma ang tambalan nina Princess Catindig at Bien Zoleta sa unang laro kontra kina Rena Temma at Kiho Miyamae sa iskor na 0-5, habang nablangko rin si Cristy Sanosa laban kay Ayaka Iwakura sa 0-4, kaya’t hindi na ipinagpatuloy pa ang match three sa pagitan nina Shyryn Salazar at Hilary Paas ng Pinas at Japanese pair Rio Maeda at Sakura Nakatani.


Bagaman hindi nagtagumpay sa semifinals game, kinukonsidera namang isang makasaysayang tagpo ang nakuhang medalya matapos makamit ang kauna-unahang podium finish sa quadrennial meet sa larangan ng Soft Tennis. “Sobrang saya kasi ito nga very historic win for us sa Philippine soft tennis.


First time ito na maka-podium finish since 1994. Sobrang happy na naka medal kami para sa bayan,” wika ng team captain na si Zoleta. "Ito [medalya] ang pinagapangarap namin sa soft tennis. Ito ang Olympics namin so magka-medalya dito is na paka laking bagay para sa amin."


Hindi mawala ang nadaramang kaligayahan ni Zoleta, na matagal nang manlalaro ng Soft Tennis sa bansa, na sinabing magbibigay ng daan ang naturang tagumpay upang mas makahikayat ng maraming manlalaro, na nagawang makipagsabayan sa defending champions.


"I know na dahil sa bronze medal na na produce ng buong Philippine soft tennis, maraming mag-open na doors para sa amin. At hindi lang sa amin, but for the soft tennis community and plus lalong, maraming ang mga kaka-appreciate and mga kaka-buo ng program ng soft tennis sa Pilipinas," ani Zoleta, na personal na binati ni Philippine Sports Commission Chairman Patrick Gregorio sa kanilang tagumpay.


"Mabuhay po kayo, first ever medal in the Asian Games. Pinanood ko talaga kayo. Alam ko kaya niyo pa manalo ng medal. Focus lang po tayo.


Nakakatuwa po ang sport na ito," saad ni Gregorio. "This is a sport na kaya nating ma-develop. Mabuti nalang andito tayo sa Asian Games, prepare and we win more medals... This is an opportunity to really promote the sport."


Bigo naman ang men’s team na makapasok sa semifinal round na binubuo nina Joseph Arcila, Sherwin Ray Nuguit (Singles, Mixed Doubles, at Team events), Samuel Reane Nuguit (Doubles, Mixed Doubles, at Team events), Dheo Talatayod (Team event), at Mark Anthony Alcoseba (Team event).



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page