top of page

PHL Men's booters, babawi vs. Iraq para sa FIFA World Cup

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 26, 2024
  • 2 min read

ni Anthony Servinio @Sports | March 26, 2024



ree


Laro ngayong Martes – Rizal Memorial Stadium


7 p.m. Pilipinas vs. Iraq 

       

Sisikaping buhayin ng Philippine Men’s Football National Team ang pag-asa na makapasok sa 2026 FIFA World Cup sa pagsalubong sa bisitang Iraq ngayong araw sa Rizal Memorial Stadium.  Sisipa ang aksiyon sa 7 p.m. at layunin ng mga Pinoy na makabawi mula sa 1-0 pagkabigo sa parehong koponan noong Biyernes. 

        

Tiyak na mamarkahan si Mohanad Ali na nagtala ng nag-iisang goal noong ika-84 minuto.  Biglang gumuho ang matatag na depensa ng mga Pinoy na 6 a minuto na lang ang kailangang lampasan upang maitala ang higanteng tabla kontra sa mga Iraqi. 

    

Tumanggap ng kaunting tulong ang Pilipinas sa Indonesia na ginulat ang Vietnam sa kasabay na laro, 1-0, at pansamantalang maagaw ang ikalawang puwesto sa Grupo F. 


Numero uno ang Iraq na may perpektong siyam na puntos kasunod ang Indonesia na may apat, Vietnam na may tatlo at Pilipinas na may isa.

 

       

Iginiit ni Coach Tom Saintfiet na gagawin nila ang lahat upang makakamit ng puntos mula sa kanilang rebanse sa Iraq.  Mahalaga ito patungo sa pagdalaw ng Pilipinas sa Vietnam at Indonesia sa Hunyo sa pagwakas ng Round 2 ng Asian Qualifiers. 

      

Kung titingnan ang resulta sa Iraq, nagpamalas ng kakaibang tapang ang mga Pinoy sa paglaro sa harap ng tinatayang 63,750 tagahanga ng kalaban sa Basra International Stadium.  Para sa Philippine Football Federation, nais nilang tumbasan ito at punuin ang Rizal Memorial ng lampas 10,000. 

       

Magtatayo ng Fan Zone sa labas ng palaruan kung saan maaaring bumili ng pagkain at inumin at lumahok sa mga palaro upang mag-uwi ng regalo mula sa sponsor.  Dahil dito, isasara ang M. Adriatico Street sa harap ng palaruan kaya hinihikayat ang mga motorista ni iwasan ang lugar o gumamit ng alternatibong daan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page