top of page

Phl Global Sports Community pinatibay ni Tolentino sa ANOC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 3, 2024
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | Nov. 3, 2024



Ang pagkakasundo sa sports governing body partikular na sa cycling ang pinalakas nina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino nang makadaupang-palad si national Olympic committee and cycling counterpart David Lappartient ng France. (pocpix/sebastianfrej)


Kasabay ng pagtalakay sa koneksiyon ng Pilipinas para sa world governing body ng cycling kung saan pinangunahan ito ni International Cycling Union president David Lappartient pinalakas pa ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang ugnayan ng bansa para sa global sports community sa XXVII Association of National Olympic Committees (ANOC) General Assembly sa Cascais, Portugal nitong nakaraang Miyerkules.


“It was again a fruitful meeting with Mr. Lappartient as our discussion revolved mainly about our sport, cycling,” saad ni Tolentino na muling nakipagpulong sa Lappartient mula pa sa Paris 2024 Olympics. Sina Tolentino at Lappartient ay parehong lider ng national Olympic committees (NOCs) at cycling national federation. Itinampok sa ANOC Awards 2024 ang asembleya ng Estoril Congress Center kung saan pinarangalan ng organisasyon ang top athletes, best-performing NOCs at sports leaders.


Pinangunahan nina ANOC president Robin Mitchell ng Fiji ang aktibidad kasama si International Olympic Committee (IOC) president Thomas Bach na nagpahayag ng mensahe ng pamamaalam na siyang nagbigay inspirasyon sa mahigit 400 sports officials sa asembleya.


Hinikayat ni Bach ang 206 countries-strong ANOC delegates na samantalahin ang pagkakataon na hatid ng bagong teknolohiya at maging ang advancement ng artificial intelligence at pinasalamatan niya rito ang NOC sa kanilang suporta. “You have a special place in his heart,” aniya.


Pinuri rin ni Tolentino si Bach sa kanyang natatanging 12-taon na paglilingkod. “The Olympic Movement was well under the care of Mr. Bach,” ani Tolentino. Bababa na sa kanyang tungkulin si Bach matapos ang 12-taon bilang IOC president kung saan si Lappartient ay naglatag ng kandidatura upang palitan ang German bilang lider sa susunod na pilian ng liderato sa Marso.

 
 
 

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page