PhilHealth, nagbayad ng higit P217 bilyong claims payment sa unang 9 na buwan
- BULGAR 
- 6 hours ago
- 2 min read
by Info @Brand Zone | October 30, 2025
PhilHealth PR 2025-43
Ipinahayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nagbayad ito ng P217.93 B sa kabuuang benefit claims sa mga accredited healthcare facilities sa buong bansa. Ang benefit payout na ito ay nagpapakita ng 112.2 Bilyon o 94.18% na pagtaas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon (Enero hanggang Setyembre).
Sa nasabing benefit payout, P127.79 B ang naibayad sa mga accredited na pribadong health providers, habang P90.14 B naman ang naibayad sa mga pampublikong health care providers.
Binigyang-diin ng PhilHealth na ang malaking bahagi ng nasabing halaga ay para sa benepisyo ng mga kumplikado at malubhang kondisyon. Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng claims para sa mga sakit na sakop ng Z Benefit Packages (kabilang ang heart surgery, kanser,at kidney transplantation) at mga serbisyongs tulad ng outpatient hemodialysis. Tinitiyak din ng PhilHealth na ang mga miyembrong may malulubhang sakit ay makakatanggap ng tuloy-tuloy at mataas na halaga ng pinansyal na suporta.
Ayon pa sa PhilHealth, ang turnaround time ng pagproseso ng claims ay 22 araw lamang. Ito ay nagpapakita ng pagbuti ng proseso ng ng PhilHealth alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pahusayin ang serbisyo ng ahensya.
Ipinahayag din ng PhilHealth na mas makatutugon ang benepisyo kung magbabago ng sistema ng pagbabayad mula sa All Case Rates papuntang Diagnosis-Related Group (DRG) para sa mga mas komplikado at modernong paggamot,
“Ang DRG ay mas makakatulong upang matukoy ang antas ng kalubhaan at ang mga resources na kailangan para sa pangangalaga ng pasyente. Sa gayon, matitiyak na ang ating mga healthcare provider ay mababayaran nang wasto at tuluy-tuloy para sa paggamot ng mga kumplikadong kondisyon,” paliwang ni Dr. Edwin M. Mercado, Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth. ###
Kung may katanungan sa benepisyo ng PhilHealth, tumawag sa tumawag sa 24/7 Action Center: (02) 8662-2588 o bisitahin ang www.philhealth.gov.ph.










Comments