PhilHealth ID at Philsys ID, pwede nang makuha sa 50 opisina ng PhilHealth!

by Info @Brand Zone | September 25, 2026
Paano makakuha ng 2 Valid IDs?
Magpunta sa alinmang 50 PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) nationwide na may PSA co-locator sites para makakuha ng PhilHealth ID at PhilSys National ID
Paano kung hindi pa member, paano ang proseso ng pagpapa rehistro?
Mas pinadali ang membership registration sa PhilHealth
2 paraan ng pagpapa-rehistro:
1. Online Registration
Proseso:
1.1. Bumisita sa www.philhealth. gov.ph at i-access ang Member Portal.
1.2. Mag-register, kumpletuhin ang PMRF, i-upload ang valid ID at iba pang kinakailangang dokumento, at pagkatapos ay i-click ang “Submit.”
1.3. Hintayin ang iyong 12-digit PhilHealth Identification Number (PIN) na ipapadala sa iyong email sa loob ng 3 hanggang 5 working days.
2. Magpunta sa PhilHealth LHIO
I-scan ang QR code para sa listahan ng mga LHIO
Pinasimple ang pagpapa-rehistro:
• Sagutan nang tama at kumpleto ang PhilHealth Member Registration Form (PMRF).
• Magdala ng anumang dokumento ng pagkaka-kilanlan at iba pang supporting documents (gaya ng Birth Certificate/Marriage Certificate) kung may ide-declare na dependents.
May bayad ba ang pagpapa rehistro sa PhilHealth?
• Walang bayad ang pagpapa-rehistro bilang miyembro ng PhilHealth.






Comments