top of page
Search

by Info @Brand Zone | September 8, 2025



PCSO PR 1



Nagsagawa ang PhilHealth ng kauna-unahang pagbabayad nito sa ilalim ng GAMOT (Guaranteed Access to Medicines and Outpatient Treatment) program sa CGD Medical Depot Inc., isang retail na botika na accredited ng PhilHealth GAMOT na matatagpuan sa Ayala Malls-Vertis North sa Quezon City. 


Para sa PhilHealth, ang isinagawang turnover ay bahagi ng kanilang pagtupad sa pangakong gawing abot-kamay ang mga gamot para sa bawat Pilipino. 


Ang PhilHealth GAMOT ay komprehensibong outpatient drug benefit package na sumasaklaw sa mga mahahalagang gamot, ito ay sa ilalim ng pinalawak na primary care benefits na YAKAP. Nagdagdag ito ng 54 na mahahalagang gamot sa kasalukuyang 21 na gamot upang gamutin ang iba’t ibang karamdaman gaya ng infections (anti-microbial), asthma at COPD, diabetes, high cholesterol (dyslipidemia), high blood pressure at heart conditions (cardiology), at nervous system disorders, kasama ang iba pang supportive therapies. Ang inisyatibang ito ay katuparan ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang nakaraang State of the Nation Address (SONA) na gawing abot-kaya at abot-kamay ang mga gamot para sa lahat. 


“Hindi lang ito basta bayad sa serbisyong ipinagkaloob ng ating partner pharmacy. Ito ay pagtupad sa pangako na gawing abot-kamay ang gamot sa nangangailangan nito,” saad ni PhilHealth Acting President at CEO Dr. Edwin M. Mercado sa ginanap na turnover rites sa Lungsod ng Makati. 


Sa pakikipagtulungan sa mga FDA-licensed retail pharmacies sa buong bansa, tinitiyak ng PhilHealth na madaling makukuha ng mga miyembro ang mga gamot na inireseta sa kanila sa pamamagitan ng mga accredited GAMOT facilities. 


Upang magamit ang benepisyong ito, hinihikayat ang mga miyembro na i-download ang eGovPH mobile app upang makapagregister, makapili ng YAKAP Clinic o Primary Care Provider (PCP), at pag-iskedyul ng First Patient Encounter (FPE). 


Nito lamang Setyembre 3, mayroon nang 41 GAMOT facilities ang nagpapatupad nito sa National Capital Region (NCR), at inaasahang madagdagan pa ang mga pasilidad na handang tumugon sa programang ito. Inaanyayahan ang publiko na bisitahin ang link na


ito https://www.philhealth.gov.ph/partners/providers/facilities/accredited/GAMOT.pdf upang manatiling updated sa pinakabagong listahan ng mga accredited GAMOT facilities. 


 
 

by Info @Brand Zone | August 18, 2025



PhilHealth PR No. 2025-36 - August 14, 2025


Inilunsad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pinahusay na PhilHealth Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment o PhilHealth GAMOT, isang komprehensibong drug benefit package na sumasaklaw sa mga mahahalagang gamot para magamit ng lahat ng miyembro. Ito ay magiging epektibo sa Agosto 21, 2025, alinsunod sa PhilHealth Circular 2025-0013.

 

Ang PhilHealth GAMOT ay bahagi ng PhilHealth YAKAP na kamakailan ay inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang State of the Nation Address, pahiwatig ng bisyon ng Administrasyon para sa isang mas malusog na Pilipinas. 

 

Sa ilalim ng PhilHealth GAMOT, may 75 klase ng libreng gamot na pwedeng maireseta na aabot hanggang Php 20,000 para sa bawat benepisyaryo. Ang mga gamot na ito ay karaniwang paggamot ng iba't ibang kondisyon tulad ng impeksyon (anti-microbial), asthma at COPD, diabetes, mataas na kolesterol (dyslipidemia), altapresyon at kondisyon sa puso (cardiology), at nervous system disorders, kasama na ang iba pang supportive therapies.

 

Para magamit ang PhilHealth GAMOT, dapat magparehistro ang mga miyembro sa kanilang napiling PhilHealth YAKAP Clinic. Pagkatapos ng masusing medical assessment, magbibigay ang YAKAP Clinic doctor ng reseta na may Unique Prescription Security Code (UPSC) code, kung kinakailangan. Maaaring pumunta ang benepisyaryo sa alinmang GAMOT Facility at ipakita ang reseta, kasama ang anumang government-issued ID Card.

 

Sa kasalukuyan, ang mga accredited GAMOT Facilities ay ang mga sumusunod:

●       Vidacure na may mga sangay sa Muntinlupa City at Quezon City

●       Pharma Gen Ventures Corp (Generika Drugstore) na may mga sangay sa Parañaque City, Navotas City, Quezon City at Taguig City

●       CGD Medical Depot Inc. sa Vertis North

●       Chinese General Hospital

 

Aktibong pinalalawak ng PhilHealth ang network nito upang madagdagan ang access points para sa mga benepisyaryo. Sa National Capital Region, dalawa pang pasilidad ang nagsumite ng kanilang letter of intent upang sumali sa programa.

 

"Noong 2023, nailunsad na natin ang PhilHealth GAMOT ngunit ito ay naisagawa lamang sa iilang probinsya. Kaya naman ngayon mas pinalawak na natin ito. Karapatan ng bawat Filipino na magkaroon ng access sa mga kinakailangang gamot nang hindi pinapasan ang mabigat na gastusin mula sa sariling bulsa,” pahayag ni Dr. Edwin M. Mercado, Acting President and CEO ng PhilHealth.

 

Pinapaalalahanan ng PhilHealth ang lahat ng miyembro nito na panatilihing updated ang kanilang records upang masiguro ang maayos na transaksyon sa pag-avail ng mga benepisyo.

 

Para sa karagdagang detalye tungkol sa PhilHealth GAMOT, maaaring tumawag ang mga miyembro sa 24/7 touch points ng PhilHealth sa (02) 866-225-88 o sa mga mobile number na (Smart) 0998-857-2957, 0968-865-4670, (Globe) 0917-1275987 o 0917-1109812.

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page