Petisyon vs. impeachment ni VP Sara, ibinasura ng SC

ni Jeff Tumbado @News | August 6, 2026

Photo: FB / Inday Sara Duterte
Ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyong kumukuwestiyon sa proseso ng Kamara sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ng SC En Banc na moot and academic na ang mga petisyon dahil naipadala na sa Senado ang Articles of Impeachment at nagsimula na ang paglilitis.
Ayon sa hukuman, natapos na ang papel ng Kamara at nasa hurisdiksyon na ng Senate Impeachment Court ang kaso. Dahil dito, wala nang praktikal na epekto ang anumang desisyon sa mga hakbang ng House Committee on Justice.





Comments