Petecio at Magno sa Strandja at iba; Liwag nasa Blazers na
- BULGAR
- Jan 13, 2023
- 2 min read
ni VA @Sports | January 13, 2023

Nakatakdang sumabak sa dalawang international competition ang Philippine women's boxing team bago sila lumaban sa 32nd SEAG sa Mayo 5 - 17 sa Cambodia.
Pangungunahan ang national women's boxing squad ng mga Olympians na sina Nesthy Petecio (lightweight) at Irish Magno (flyweight).
Una nilang lalahukan ang Strandja Memorial Cup sa Sofia, Bulgaria sa Pebrero 18-27 at susunod ang International Boxing Association (IBA) World Women's Championships sa New Delhi, India sa Marso 15 - 31.
Ang Strandja Memorial Cup ang pinakamatandang international amateur boxing competition sa Europe. "All of us are busy training, we want to get good results in our first two competitions this year," pahayag ni head coach Reynaldo Galido.
Bukod sa SEA Games, pinaghahandaan din ng national boxers ang Asian Games na gaganapin sa Hangzhou, China sa Set. 23 hanggang Oktubre 8, na isa sa mga qualifying tournament para sa 2024 Paris Olympics. "Gusto ko talagang makasali ulit sa Olympics.
Sana makakuha ako ulit ng slot," ani Petecio na kasama ng national team na nagsasanay sa Baguio City mula pa noong nakaraang Disyembre.
Samantala, muling nadagdagan ang malalim na arsenal na tangan ng De La Salle-College of Saint Benilde Blazers matapos mapagtagumpayang makuha ang serbisyo ni dating EAC Generals big man Bryant Allen Liwag para maglaro sa season 100 ng NCAA men’s basketball tournament.
Lumabas sa reports ang pag-anunsiyo ng humahawak sa karera ni Liwag na EOG Sports Management at maging ang kumpirmasyon ni Blazers head coach Charles na magiging parte ang 6-foot-6 forward sa mga manlalaro ng koponan, subalit magsisilbi muna ito ng one-year residency. “We have big plans for him and love his potential.
We are expecting a lot from him to be honest,” pahayag ni Tiu.








Comments