top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Perhuwisyo sa mga motorista, tama na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 19, 2020
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 19, 2020


“Again I express my apologies to the users of the tollways, to the local government for the convenience whatever it cost. Be assured that the inconveniences cost is not designed, is not intended.”


Ito ang wika ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, kaugnay sa malalang trapik na idinulot ng Radio Frequency Identification (RFID) system sa ilang tollways.


Matatandaang, Disyembre 1 nang ipinatupad ang RFID system sa lahat ng expressway sa bansa bilang pagsunod sa utos ng (DOTr) dahil ito ay hakbang para walang physical contact ang mga teller sa bawat booth para makaiwas sa COVID-19.


Pero sa halip na ginhawa, naging sanhi ito ng pagkakabuhul-buhol ng trapiko dahil marami pa rin ang hindi nakakukuha ng RFID sticker. Ang ending, kailangan pa ring pumila ng mga motorista para makapagpakabit ng sticker.


At matapos ang ilang araw ng pagpapatupad ng cashless payment sa mga tollways, maraming motorista ang naipit sa trapik, kaya sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang permit ng NLEX Corporation.


Sabihin na nating hindi naman intensiyon na magdulot ng trapik at perhuwisyo sa publiko, pero sana naman, ayusin n’yo ang inyong serbisyo.


Masyado nang maraming idinaraing ang mga motorista, kaya plis lang, ‘wag naman nating sagarin ang kanilang pasensiya.


Kaya panawagan sa mga kinauukulan, hindi lang tawad ang kailangan ng mga naperhuwisyo dahil bukod pa rito, kailangan nating umaksiyon para hindi na ito maulit. Galaw-galaw ho tayo!


Patunayan ninyong may ginagawa kayo para maging maayos ang sistema at iwas-aberya.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page