top of page
Search
  • BULGAR

Perfume, senyales na magtatagumpay at maaabot ang pangarap

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 10, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na napadaan kami sa isang computer café, naisip kong pumasok sa loob para maglaro ng computer games.


Ang daming machines at ang dami ring tao sa loob, naka-face mask ang lahat nang makaamoy ako ng perfume kaya hindi muna ako lumabas.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Robert


Sa iyo, Robert,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na napadaan ka sa computer café, naisip mong pumasok sa loob para maglaro, ay masipag kang tao, magtatagumpay ka dahil sa iyong kasipagan. Ito rin ang dahilan kung bakit ka yayaman at sasagana ang buhay.


Samantala, ang daming tao sa loob, naka-face mask silang lahat, ay nangangahulugang ‘di tunay ang pinapakitang ugali ng iyong mga kaibigan. Hindi sila tapat sa iyo, at puro pagkukunwari lamang ang pagiging mabait nila sa iyo.


Ang nakaamoy ka ng perfume kaya hindi ka muna lumabas, ay nagpapahiwatig na magtatagumpay ka sa kasalukuyan mong ginagawa at maaabot mo ang iyong mga pangarap.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page