Perfect daw na kapalit ni P-Digong… PACQUIAO FOR PRES. SA 2022, KINUMPIRMA NI CONG. ATIENZA
- BULGAR

- Dec 4, 2020
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 4, 2020

Kinumpirma na ni Buhay Party-list Representative at Deputy Speaker of the House of Representatives Lito Atienza na talagang seryosong pinag-iisapan ni Sen. Manny Pacquiao ang pagtakbo bilang pangulo ng bansa sa 2022 elections.
“He is seriously thinking and planning to run for president. He already told me that. And I told him to consider it not only once, twice, thrice, 10x more,” pahayag ni Cong. Lito sa tsikahan with the entertainment press kahapon.
Noon pa raw na hindi pa ito sikat na boksingero ay nagtapat na si Pacman sa kanya na given the opportunity ay gusto nitong tumakbong pangulo.
Nang tanungin daw niya kung bakit, ang sagot nito sa kanya, “Alam n’yo, ang problema ng bansa, ang mahihirap, patuloy na naghihirap, ang mayayaman, patuloy na yumayaman. We have to correct that.”
Nang dumating ang time na marami na raw pera si Pacman ay ikinalulungkot pa rin daw nito ang patuloy na paghihirap ng kapwa Pilipino.
Naniniwala si Cong. Lito na magiging mabuting presidente ng bansa si Pacman dahil ang puso raw nito ay nasa mahihirap.
“I know his thinking, I know his emotion, I know his heart, his background, he has every right to think about it,” saad ni Cong. Lito.
Actually, ani Cong. Lito, tatlo ang bet niyang presidentiables — Pacman, Sara Duterte and Manila Mayor Isko Moreno. Kapag isa raw sa mga ito ang tumakbo ay tiyak na susuportahan niya.
“Sara, I look at her as a competent potential. Sen. Manny is perfect for the job. Mayor Isko is doing very well. He can show more,” he said.
Kung siya naman ang tatanungin, plano na raw niyang magretiro sa pulitika at hindi na siya tatakbo pa sa 2022 elections. Gusto na raw niyang magpahinga since 50 yrs. na siya sa public service.
Samantala, para lalong mapagsilbihan at maging up-to-date ang kanyang mga constituents ay naglunsad siya ng BUHAY MAHALAGA FACEBOOK LIVE from Monday to Friday at 2 PM sa www.facebook.com/litoatienza. Dito ay ibabahagi ni Cong. Lito ang mga nangyayari sa Congress as well as listening to their opinions on current issues.
Aniya, ang FB ay isang napakaepektibong paraan para maka-communicate ang taumbayan lalo na nga sa panahon ngayon ng quarantine.





Comments