top of page
SPECIAL - “VICE, QUEEN OF ALL NETWORKS” - MVP-IG _praybeytbenjamin.jpg

Pera at alahas, tinangay... 20-anyos na bebot, kinatay si lola

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | August 13, 2026



Normina Ramalan - Circulated

Photo: Circulated



Matapos pagnakawan ng sariling kapitbahay, pinatay pa ang isang 61-anyos na senior citizen sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. Rosary Heights 9, Cotabato City nitong Martes ng hapon.


Kinilala ng Cotabato City Police ang biktima na si Lumbai Dalmaob na nagtamo ng maraming tama ng saksak sa katawan.


Nagawa pang maisugod ng mga kapitbahay ang biktima sa ospital sa Cotabato City, subalit hindi na ito umabot nang buhay.


Nasakote naman ang 20-anyos na suspek na si Normina Ramalan matapos habulin ng mga tao sa barangay.


Nakita umano ng isa sa mga kapitbahay na pumasok si Ramalan sa bahay ng biktima na nakasuot pa ng itim na abaya, subalit paglabas ay nakasuot na ito ng pulang T-shirt at may bitbit na eco bag.


Nag-usisa umano ang isa sa mga kapitbahay kaya pinuntahan ang bahay ng biktima at dito nadiskubre ang duguang katawan nito.


Nasamsam sa suspek ang isang duguang kutsilyo, surgical gloves, alahas, at P12,500 na pera na nakasilid sa bitbit na eco bag.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong robbery with homicide laban sa suspek.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page