top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pekeng balita sa panahon ng sakuna, tigilan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2020
1 min read

@Editorial | November 15, 2020



Parang walang “social distancing” ang mga bagyo.

‘Ika nga, literal na hindi pa man nakalalayo ang isa, may kasunod na agad.

Kaugnay nito, nagdulot ng takot sa mamamayan ang kumalat sa social media na ‘Parade of Typhoons’ o may paparating pa umanong mga bagyo ngayong weekends at sa mga susunod na araw.

Ngunit paglilinaw ng PAGASA, wala silang nakikitang bagong bagyo o kahit low pressure area (LPA) na papasok sa Philippine area of responsibility sa loob ng mga susunod na araw.

Bagama’t posible pa umanong may pumasok na mga bagyo sa taong ito, hindi aniya totoong papalapit na ang mga ito sa ating bansa.

Walang basehan ang impormasyon dahil sa satellite data ng local at foreign weather agencies ay walang makikitang mga bagyo na tatama sa bansa sa loob ng susunod na linggo.

Paulit-ulit ang paalala na maging responsable ang lahat sa paggamit ng social media, marami sa atin ang nakararanas ngayon ng trauma dulot ng mga kalamidad na naunang sumalanta sa ating bansa, idagdag pa ang alalahanin dulot ng COVID-19 pandemic.

Iwasan ang pagpo-post o pag-entertain sa “fake news”. Utang na loob, hindi ‘yan nakatutulong, nakakadagdag pa sa problema!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page