top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

PBBM sa PMA graduates: Huwag magsinungaling, ‘wag magnakaw

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 17
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 17, 2026



Bongbong Marcos - FB

Photo: Bongbong Marcos - FB



Ipinaalala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kadete ang kanilang katapatan ay dapat nakatuon sa Konstitusyon at hindi sa anumang interes pampulitika, indibidwal, o ideolohiya.


“As you take your oath today, remember that your loyalty is not to any political interest, not to any individual, nor any passing ideology,” pahayag ni Marcos sa kanyang talumpati sa pagtatapos ng Philippine Military Academy Class of 2026.


“Your loyalty must always remain with the Constitution of the Republic of the Philippines,” saad ng Commander-in-Chief.


Aniya, ang mga bagong opisyal ay kailangang mamuhay sa prinsipyo kung saan huwag magsinungaling, huwag mandaya, huwag magnakaw, at huwag kunsintihin ang mga gumagawa nito.


“Throughout this mission, carry with you the Honor Code instilled in you by the Academy: never lie, never cheat, never steal, and never tolerate those who do,” diin ni Marcos.


Ang pananahimik aniya sa harap ng mali ay isang uri ng pagtataksil sa mga pinahahalagahan ng serbisyo, sa bayan, at sa mismong prinsipyo na kanilang ipinangako na ipagtatanggol.


Binigyang-diin ng Pangulo na ang integridad at katapatan ay pundasyon ng tunay na serbisyo publiko at dapat maging gabay ng bawat opisyal sa kanilang tungkulin.

Binati rin niya ang mga nagtapos at hinimok silang maging huwaran ng tapang at dedikasyon sa pagtatanggol ng soberanya ng bansa.


Mariin din niyang ipinaalala na ang tunay na pamumuno ay nakaugat sa prinsipyo ng Konstitusyon at sa walang pag-iimbot na paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page