top of page
Search

PBBM, imbes na palakasin ang ekonomiya, political party ang inaatupag

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 20, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


WALANG PAG-ASANG UMASENSO ANG ‘PINAS, KASI PAMUMULITIKA ANG INAATUPAG NG PRESIDENTE -- Matapos pamunuan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang pakikipag-alyansa ng political party niyang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa partidong Lakas-CMD ng kanyang pinsan na si Speaker Martin Romualdez, pinamunuan din ni PBBM ang pakikipag-alyansa naman ng PFP niya sa partidong Nationalist People’s Coalition (NPC) ni former Senate President Tito Sotto.


Hay naku, wala na talagang pag-asang umasenso pa ang pamumuhay ng Pinoy, kasi imbes ang gawin ng Presidente ay palakasin ang ekonomiya ng bansa, eh ang inaatupag ng Pangulo ay pamumulitika para palakasin ang puwersa ng kanyang partido, boom!


XXX


SENADO, SUNUD-SUNURAN SA MALACANANG? -- Pinatitigil na ni Senate President Migz Zubiri ang imbestigasyon ng komite ni Sen. Ronald Dela Rosa tungkol sa “PDEA links” na nagsasangkot kay PBBM sa paggamit umano ng cocaine noon, kasi ayon sa Senate president ay nagagalit na raw ang “Marcos group” sa kanya kaya’t dapat daw tigilan na ng Senado ang isyung ito.


Akala ba natin ay independent ang Senado at hindi puwedeng pakialaman ng Malacanang ang mandato nito, pero sa tema ng pananalita ni Zubiri ay dito makikita na tila sunud-sunuran na ang Senado sa gusto ng Palasyo, tsk! 


XXX


HUWAG NA SANANG GAWING MAGARBO ANG SONA NI PBBM KASI BOLADASAN LANG NAMAN ANG MANGYAYARI RITO -- Pinaghahandaan na raw ng Kamara ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni PBBM sa buwan ng Hulyo 2024.


Sana huwag nang gawing magarbo ito kasi pulos boladas lang naman ang sasabihin ni PBBM sa kanyang SONA, mga pangakong wala namang katuparan.

Sa last SONA kasi ni PBBM noong Hulyo 2023 ay ipinangako niyang tapos na raw ang happy days ng mga smuggler, pero boladas lang pala ito kasi hanggang ngayon ay namamayagpag ang raket na smuggling sa Customs nina “Gerry Teves,” “Leah Cruz,” “Tina U.”, “Big Mama” at “Kimberly Gang,” boom!


XXX


DAPAT IPA-TOKHANG NINA GEN. GAPAS, COL. BAYBAYAN AT COL. CORTES, MGA MANGRARAKET SA MALABON AT NAVOTAS -- Nagkalat na naman ang mga raket na illegal gambling tulad ng sakla, lotteng, EZ-2, bookies nina  "Mario Bokbok," "Atan," "Noel," "Ponga," "Lina Robles" at "Leody" sa Malabon City at Navotas City.


Aba’y dapat “tokhangin” na agad nina Northern Police District (NPD) Director, Brig. Gen. Rizalito Gapas, Malabon City Police chief Col. Jay Baybayan at Navotas City Police chief Col. Mario Cortes ang mga mangraraket na ito para hindi naman isipin ng mga taga-Malabon at Navotas na “nganga” lang sila sa mga raket ng mga ilegalistang ito, period!

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page