top of page

PBA Players, nag-praktis kahit ipinagbabawal pa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 3, 2020
  • 1 min read

ni VA - @Sports | July 3, 2020




Nasa alanganing sitwasyon ngayon sina Barangay Ginebra star Japeth Aguilar, Japan-bound Thirdy Ravena at iba pang mga kasama matapos na may magpost ng kanilang mga videos sa social media kung saan nakita silang naglalaro ng 5-on-5 basketball at nagsasanay sa isang gym sa Metro Manila habang nasa quarantine pa ang National Capital Region.

Sa mga naglabasang mga videos, makikitang nilabag diumano ng mga sangkot na players ang mga itinakdang quarantine rules ng gobyerno habang ipinagbabawal pa ang paglalaro ng mga contact sports dahil sa coronavirus (COVID-19) pandemic.


Ipinakikita sa video na ipinost noong Hulyo 1,2020, sina Aguilar, Ravena at dating teammate ni Ravena na si Isaac Go na naglalaro ng 5 x 5 basketball game kasama ng ilang di pa nakikilalang mga kalalakihan sa isang gym sa Greenhills.


Nauna nang nagsumite ng plano ang PBA sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Infectious Diseases para sa kahilingan nilang makabalik na sa ensayo ang kanilang mga players sa ilalim ng umiiral na quarantine rules.

Nakasaad sa plano na magsasanay o magpapakundisyon ang mga players ng nakagrupo at may tig-4 na miyembro alinsunod sa mga ipinatutupad na health protocols habang mahigpit na ipinagbabawal ang paglalaro o scrimmages.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang PBA Commissioner's Office sa mga naglabasang mga videos, ngunit sinimulan na nila ang imbestigasyon hinggil sa pangyayari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page