PBA player, bago bumalik sa training, sasailalim sa COVID-19 test
- BULGAR

- Aug 19, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 19, 2020

Humanda na ang mga PBA fans dahil sasailalim na sa COVID-19 test ang mga manlalaro
bago ito opisyal na bumalik sa pag-eensayo.
Dahil sa pandemic, sasailalim ang mga player sa test sa Makati Medical Center sa August 20 at 21 dahil target umanong umpisahan ang training ng August 25.
Unang linggo ng August dapat ang schedule ng mga player para sa swab testing ngunit,
nausod ito dahil isinailalim muli ang Metro Manila sa modified enhanced community
quarantine.
Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, kapag naging maayos ang testing ay maaari na silang magsimula.
Susundin ng PBA ang closed circuit concept kung saan bahay at practice facility lamang ang pupuntahan ng mga player kapag nagsimula na ang kanilang training.
Ang practice ay gagawing by batch na may 6 katao- 4 ay player, 1 coach o trainer at 1 safety officer.





Comments