top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Payo ni Toni, praktis lang nang praktis… MATTEO, 4 ANG GUSTONG MAGING ANAK NILA NI SARAH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 11, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 11, 2020




Sa one-on-one interview ni Toni Gonzaga kay Matteo Guidicelli sa kanyang vlog sa YouTube ay maraming nai-share ang aktor sa publiko.


Sobrang mahal na mahal ni Matteo si Sarah at hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na napangasawa niya ang babaeng matagal na niyang minahal at pinangarap.


Kaya naman, ngayong misis na niya si Sarah ay inaalagaan niya ito nang husto. Inaalam din niya ang maraming bagay na makakapagpaligaya sa kanyang first lady. Hindi rin inaalis ni Matteo ang posibilidad na darating ang panahon na maaayos din ang tampo at gap niya sa pamilya ni Sarah at tatanggapin-patatawarin sila sa kanilang ginawang sikretong pagpapakasal.


Isa sa mga traits ni Sarah na natuklasan ni Matteo ay ang pagiging perfectionist nito kapag may gustong gawin. Hindi naman nila ini-expect na smooth agad ang kanilang relasyon. As newly-wed, marami pa silang dapat tuklasin sa isa't isa.


Six years na naitago nila ni Sarah ang kanilang relasyon sa publiko. At ayon na rin kay Matteo ay ginawa nila 'yun upang proteksiyunan ang career ng Popstar Royalty.


Ngayong kasal na sila, ang inaabangan naman ng lahat ay kung kailan sila bibiyayaan ng little Sarah o little Matteo.


Well, kung si Matteo raw ang masusunod ay gustung-gusto na niya na magka-baby na sila ni Sarah. Pero, ayaw naman niyang apurahin ang kanyang wifey. Gusto ni Matteo ay 2 o 4 na anak, kaya ang advise sa kanya ni Toni Gonzaga, practice lang daw nang practice.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page