Pax Silica, dadaan sa Kongreso — Amb. Romualdez

by Mervin Reyes @News | November 21, 2026

Photo: Pax Silica / Circulated
Isasailalim sa pagdinig at deliberasyon ng Kongreso ang panukalang Pax Silica manufacturing hub sa New Clark City, Tarlac, ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez.
Ani Romualdez, isinusulong ang pagbuo ng batas para sa proyekto upang mabigyan ng pagkakataong mapag-usapan sa Senado at Kamara ang mga benepisyo at pangamba kaugnay nito.
Nilinaw din ng embahador na hindi data center ang itatayong pasilidad kundi isang manufacturing hub na nakatuon sa pagproseso ng nickel at iba pang critical minerals para sa semiconductor at artificial intelligence technologies.
Tiniyak niyang tinutugunan na rin ang mga usapin tungkol sa paggamit ng tubig at enerhiya, gayundin ang posibleng epekto ng proyekto sa mga katutubong komunidad.





Comments