Patung-patong na traffic violations… Vlogger na si Francis Leo Marcos, binawian ng lisensya
- BULGAR

- 5 hours ago
- 1 min read
by Info @ News | December 6, 2025t

Photo: Circulated
Tuluyan nang binawian ng lisensya ng Land Transportation Office (LTO) ang vlogger na si Norman Mangusin o mas kilala bilang Francis Leo Marcos.
Ayon sa ahensya, hindi sumipot si Mangusin sa itinakdang hearing ng LTO para magsumite ng kanyang paliwanag sa patung-patong na paglabag sa batas-trapiko dahilan para i-revoke nila ang lisensya nito.
Ito ay matapos siyang ireklamo ng netizens nang kumalat sa social media ang kanyang video na nagmamaneho ng isang Ford Expedition na may nakakabit na pekeng plaka at hindi nakasuot ng seatbelt.
Bukod dito, kita rin sa naturang viral video ang madalas na pagtingin niya sa camera ng cellphone habang nagmamaneho.








Comments