top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Patuloy na pagbangon ng bansa sa kabila ng pandemya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29, 2020
  • 2 min read

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | July 29, 2020



Masaya at satisfied ang inyong lingkod sa naging SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte. Maliban sa nakapagbigay ito ng bagong pag-asa sa ating mga kababayan sa gitna ng krisis, nakapaglatag din ang ama ng bansa ng mga konkretong plano kung paano tayo makakabangon mula sa pandemya.


Sa parte natin bilang senador, susuportahan natin ang mga adhikain ng Pangulo na bigyang-prayoridad ang mga programang makakatulong sa pinaka-nangangailangan nating mga kababayan. Buhay at interes ng ordinaryong Pilipino, lalo na ‘yung mga nasa pinakamababang sektor ng lipunan, ang ating uunahin.


Kabilang sa mga nasabi ni Tatay Digong sa kanyang SONA ay ang pagpapalakas ng suporta sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs), displaced workers, overseas Filipinos workers at iba pang vulnerable sectors ng COVID-19.


Hinimok ng Pangulo ang Bangko Sentral at iba pang financial institutions sa bansa na bigyan ng regulatory relief at loan payment extension ang mga maliliit na negosyo upang maka-recover muna sila. Noon pa man ay suportado na natin ito. Sa katunayan, kahit noong nag-uumpisa pa lamang ang COVID-19, umapela na tayo ng subsidy program para sa mga MSMEs at kanilang empleyado.


Malaking bagay din ang commitment ng Pangulo na ipagpatuloy ang infrastructure program ng bansa upang makalikha ito ng trabaho at ma-sustain ang ating economic growth. Sa parte natin, hinikayat natin ang DOLE, at iba pang ahensiya, na palakasin ang kanilang livelihood development at job creation programs para sa displaced workers.

Hinimok din natin sila na i-promote ang agri-business at entrepreneurship sa bansa na siyang magbibigay ng bagong pag-asa sa mga Pilipino.


Maliban sa mga ito, natutuwa rin tayo na suportado ng Pangulo ang Balik Probinsya Bagong Pag-asa program na layuning i-decongest ang Metro Manila at paunlarin ang ating mga probinsiya. Kapag natapos ang pandemyang ito, makaaasa ang ating mga kababayan na tuluy-tuloy ang magiging implementasyon ng programang ito na na-institutionalize na sa pamamagitan ng EO 114 ni Pangulong Duterte.


Nagpapasalamat din tayo kay Tatay Digong dahil sa pagpapakita nito ng suporta sa isinumite nating panukalang-batas na layuning itayo ang isang departamento na tutugon sa pangangailangan ng mga overseas Filipinos. Isa ang sektor na ito sa pinaka-nangangailangan ng ating suporta sa panahon ng COVID-19 dahil marami sa kanila ang nawalan ng trabaho.


Huwag na nating pahirapan pa ang ating mga kababayan. Bigyan natin ng pansin ang kanilang hinaing at padaliin natin ang serbisyong dapat nilang makuha mula sa gobyerno.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page