top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Patuloy na oil price hike pinaaaksiyunan sa gobyerno

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 21, 2021
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | October 21, 2021



Dagdag-pasakit ang dulot ng patuloy na oil price hike kaya nanawagan ang Akbayan Party-list sa pamahalaan na aksiyunan ito.


Ngayon ay walong sunud-sunod na linggo na itong tumataas.


Sinabi ni Akbayan Frist Nominee Perci Cendaña na kailangan na itong remedyuhan sa pamamagitan ng subsidiya gaya ng muling pagpapatupad ng Pantawid Pasada Program.


“Kailangan nating tapakan ang preno at pigilan ang pag-arangkada ng presyo ng gasolina. Kailangan ng mamamayan ng ayuda at proteksyon sa pamamagitan ng fuel subsidy,” pahayag ni Cendaña.


Ang Pantawid Pasada ay ipinatupad noong 2011 bilang pantulong sa mga motoristang apektado ng taas-presyo ng gasolina.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page