top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Patong Patong, tiyak mapapalaban ng todo

BULGAR
May 25, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 25, 2022


Paniguradong mapapalaban ng todo si Patong Patong sa magaganap na Condition Race Merged 18-19 na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw.


Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, magandang laban ang masisilayan nila sa distansiyang 1,400 meter race na pakakawalan sa pangalawang karera. "Masarap panoorin 'yang laban na 'yan, sigurado bakbakan ang mapapanood namin," saad ni Marcelo Mancebo, veteran karerista.


Bukod kina Patong Patong at Speeding Hero ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Speed Fantasy, Electrify, Money For Biffany at My Jopay.


Maliban sa bakbakan ng anim na tigasing kabayo, aabangan din ng mga karerista ang mga carry over sa Race 1. Magsisimula ang carry over sa Pick 6 na P576,315.09 sa unang karera kung saan may 12 kabayo ang magtatagisan ng bilis sa 1,400 meter.


Kasama sa nasabing race ang carry over din sa Super 6, Pentafecta at Quartet kaya tiyak na puspusan ang pag-aaral ng mga karerista para sa pipiliin na tatayaan.


May carry over na P47,433.35 sa quartet, sa pentafecta ay P13,752.47 habang sa super 6 ay P11,540.00 ang paglalabanan.


Sa pangatlong karera naman pupuntiryahin ng mga karerista ang carry over sa Pick 5 na P469,439.27.


Samantala, pitong karera ang inihain ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw kaya masisiyahan muli ang mga karerista sa kanilang pananaya.


Mga Pili ni Green Lantern


Race 1. Awesome Julianne/Lucky Julliane (6/6A), Work From Home (12), Space Jam (7)

Race 2. Patong Patong (4), My Jopay (5)

Race 3. Rancheros (11), Tocque Bell (10), Nards Bentetres/Bisyo Mag Serbisyo (5/5A)

Race 4. Kapangyarihan (3), Colonial Supreme (9), Honey Ryder (2)

Race 5. Vitreus (2), Raxa Bago (6), Ace Up (3)

Race 6. Factorah (10), Joyous Solution, (7), Luke Skywalker (3)

Race 7. Tiger Boy (5), King Hans (9), Stripe Of Pink (4)


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page