top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pati RFID, dinadale ng fixers, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 31, 2020
1 min read

@Editorial | October 31, 2020



Marami ang nakahinga nang maluwag nang palawigin hanggang Disyembre 1 ang pagpapatupad ng mandatory cashless transaction sa lahat ng expressway.


Nangangahulugan ito ng dagdag-panahon para makakuha ng Radio-Frequency Identification (RFID) sticker. Gayunman, masasabing balewala ito kung hindi naman magkakaroon ng maayos na sistema.


Hindi maitatangging nagdulot ng kaguluhan sa mga motorista ang kawalan ng kaayusan sa sistema sa mga tollway. May mga reklamo na tila hindi napaghandaan ng mga operators ang paglipat sa cashless transaction sa pamamagitan ng RFID.


Sinasabing problema ang kakulangan sa sticker kaya nagpapatupad ng cut-off kada araw sa mga installation centers. Bukod pa ang sumbong na may mga fixers na rin na nag-aalok ng kabit-sticker sa halagang P250 gayun ang dapat bayaran lang ay P100 para sa consumable load.


Nakapagtataka nga naman na nauubusan ang mismong tollway operators ng sticker habang unlimited sa mga fixers?


Kung lahat na lang ay pinapasok ng fixers, ano pang silbi ng mismong sistema? Bakit pa gumagawa ng proseso na hindi naman ipinatutupad at sinusunod?


Ang obvious na tanong dito, paano nakakalusot at namamayagpag ang mga ito?


Marami ang pilit na sumusunod sa mga panuntunan, pumipila nang maaga, naglalaan ng oras at nagtitiwala sa sistema pero, may iba pa rin na pinipili ang ‘shortcut’ at nangangatwiran pa na nagbabayad nang extra.


Ang tanong, sino ang nagpapabulok sa sistema?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page