top of page

Pati misis, damay, pakialamera raw… KALAT NA: NICO WAJE, SINIBAK SA GMA-7 DAHIL SA ATTITUDE PROBLEM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | January 27, 2026



LET’S SEE - KALAT NA_ NICO WAJE, SINIBAK SA GMA-7 DAHIL SA ATTITUDE PROBLEM_TT Nico Waje

Photo: Circulated / Nico Waje



Inulan ng bashing ang dating GMA-7 reporter na si Nico Waje nang bigla itong bumalik sa socmed (social media) as a content creator. 


After kasing mawala sa Kapuso Network ang minsang nag-viral na news reporter, naging palaisipan sa marami kung bakit hindi na ito napapanood. 


May mga nag-Marites na diumano, kesyo nagkaroon ito ng problema sa kapwa news reporter. 


Mayroon ding tsismis na sinibak ito dahil sa attitude problem at kahit nga ang asawa nito ay nadamay pa sa isyu na kesyo ‘epal’ at pakialamera sa trabaho ng asawang reporter.


Sa ginawang pagpaparamdam sa socmed (social media) ni Nico, na minsang tinawag na ‘bagong heartthrob ng news reporting’, nakapagtatakang mas maraming negatibong reaksiyon ang ibinabato sa kanya ng mga netizens sa ngayon.


Nagsisisi kaya siya sa kanyang pagpaparamdam? 


Gaano naman kaya katotoo ang balitang ito raw ang papalit sa isang kontrobersiyal na male news reporter na sinibak kamakailan sa isang government-owned TV network?



SURE nang matutuloy ang action series na pagsasamahan nina Andrea Brillantes at Enrique Gil sa Kapatid Network na A Secret in Prague (ASIP), na teaser pa lang ang naipo-post ay pinag-usapan na.


Kamakailan kasi ay nagkaroon ng send-off sa kanila kasama ang iba pa nilang makakasama sa series na sina Cedrick Juan at Kim Domingo.


Pupunta sila ng Prague, Czech Republic dahil ‘yun nga ang sentro ng series, na ayon nga kay Atty. Ferdie Topacio (producer ng Spring in Prague movie) ay maraming very interesting stories na masarap lagyan ng Pinoy flavor.


At dahil may kani-kanya nang love partners ang mga bumibida rito, kyut pa rin daw itanong kung may chance kayang sumunod ang mga ito para makapagbakasyon man lang sila kapag may break?


Pero ayon naman sa isang taga-production na aming nakausap, hindi raw ‘yun imposible pero mayroon daw kasing pinirmahang agreement na kailangang tapusin ang mga dapat kunan para sa series bago ang mga kani-kanyang pribadong lakad.


‘Yun naman pala!



DAHIL naman sa mga posts ng family member ni Eldrew Yulo, tila sa kanila ngayon pumapabor ang madla. 


Mukhang ang mas sikat at super-yaman nilang kapatid na Olympic medalist na si Carlos Yulo at dyowa nitong blondina ang buhok ang sila ngayong ‘nakikisakay’ sa positibong reaksiyon ng madla.


Sa latest post kasi ng nanay nina Eldrew at Caloy, wala kang mababasang negative lalo’t tungkol ito sa loteng binili nila mula sa kinikitang pera ni Eldrew, na isa na ring mahusay na gymnast at pride ng bansa.


Tila raw sampal ito sa noo’y balitaktakan nina Caloy at nanay niya tungkol sa paghahanap ng una sa kanyang mga ‘ipinatagong’ pera.


Sa recent birthday celebration ni Eldrew kung saan masaya ngang kasama ng kanyang mga kapatid si Caloy at ang dyowa nitong blondina ang buhok ay tila mahihinuhang ‘nagkamabutihan’ na’t masaya na ang kanilang family. 


Pero ‘yun nga lang, dedma pa rin ang nanay ni Caloy na hindi ninyo makikita sa alinmang photos ng birthday fun.


Proof nga raw na wala pa sa huwisyong makipagbati ang ina sa yumabang na anak at dyowa nitong feeling asawa sa lahat ng kilos ng Olympic medalist.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page