top of page

Pati mga damit… RAFFY, IBINENTA ANG 200 PARES NG MGA MAMAHALING SAPATOS

  • BULGAR
  • Mar 16, 2021
  • 1 min read

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 16, 2021




Ang ganda-ganda ng pagkakaayos ng shoe collection ng sikat at palabang broadcaster ng TV5 na si Raffy Tulfo. Mahigit na 200 pairs ang kanyang sneakers/rubber shoes collection na ilang taon din niyang inipon.


Hobby lang ni Idol Raffy noong una, pero nang tumagal ay nakahiligan na niya ang mangolekta ng sneakers na iba't iba ang brand at design.


Meron siyang Balenciaga, Louis Vuitton, Versace, Christian Louboutin, Dolce and Gabbana, Adidas, Nike atbp. imported brands.


Ayon kay Idol Raffy, karamihan sa kanyang mga sapatos ay ang kanyang mabait na maybahay ang bumili. Ang iba naman ay regalo sa kanya.


Recently ay nagdiwang ng kaarawan ang palabang broadcaster. Dito niya naisip na magbenta ng kanyang mga sapatos na karamihan ay hindi niya masyadong nagagamit. At ang proceeds at mapagbebentahan ay ido-donate ni Idol Raffy sa charity.


Mabibili ang kanyang mga sapatos sa Idol Shopping Network (ISN). Bukod sa mga sapatos, kasama rin sa mga ibebenta ni Raffy Tulfo sa ISN ang kanyang mga damit, polo, long sleeves, atbp.


At least, kahit nabawasan ang shoe collection ni Raffy Tulfo, masaya pa rin siya dahil marami siyang matutulungan na mga taong nangangailangan. Naging memorable pa ang kanyang kaarawan.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page