Pati kulay ng balat, nilait… VICE, BINUGAHAN NG TUBIG SA MUKHA ANG BABY DOLLS MEMBER, NA-BASH, TODO-SORRY
- BULGAR

- 9 hours ago
- 2 min read
ni RJ Matociños (OJT) @pecial Article | July 26, 2026

Photo: FB Vice Ganda
Muling uminit ang ulo ng mga netizens at binatikos ang It’s Showtime host na si Vice Ganda matapos ang pambabastos at ‘below-the-belt’ na gesture at biro nito sa miyembro ng Baby Dolls na si Johaira Moris nu’ng Biyernes nang hapon.
Nag-viral online ang video kung saan makikitang hinagisan ni Vice ng unan sa mukha at binugahan pa ng tubig si Johaira.
Hindi pa nakuntento ang host, hiniritan nito ang dancer tungkol sa kulay ng kanyang balat at sinabihan ng “Ano’ng nangyari sa ‘yo, bakit nagputik ka?” matapos bugahan ng tubig.
Dahil dito, nabuhay na naman ang dating insensitive rape joke rin ni Vice kay Jessica Soho at inihambing nga ito sa ginawa niya ngayon kay Johaira.
Giit ng marami, tila wala pa ring character development ang komedyante at dapat na itong aksiyunan o i-report sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Inulan ng matitinding resbak at diskusyon ang ginawa ni Vice. Sey ng mga netizens…
“VIOLENCE IS NOT A JOKE! Especially against women.”
“Where the heck is @MTRCBgov, there’s such extreme indecency on live TV. So rude, really!”
“Very wrong ‘yung ginawa ni Vice and I won’t defend that. I’m not a fan too. Pero bakit walang nakapansin sa sinabi n’yang (Johaira) ‘Hoy, chaka?!” Isn’t that hurtful too?”
“Maybe I’m too woke up pero ‘yung mga jokes ni Meme Vice about Johaira and her skin color are not funny at all.”
Samantala, bago matapos ang programa kahapon (Hulyo 25), humingi na ng paumanhin sa madlang people si Vice Gand a.
Inamin ng TV host na aware siya na marami ang na-offend sa kanyang ginawa. Idinagdag pa niyang ang gusto lang naman nila ay mapasaya ang madlang pipol, kaya ina-acknowledge niya ang lahat ng batikos.
“We will try to do better,” pangako ni Vice matapos humingi ng tawad at aminin ang naging pagkukulang.
KINILIG ang batikang Kapuso broadcast journalist na si Kara David matapos siyang sorpresahin at bigyan ng napakatamis na pagkilala ng crew ng PAL Express sa kanyang biyahe mula Manila patungong Cagayan de Oro (CDO).
Aniya, “What a nice surprise!”
Sa kanyang Facebook (FB) post, buong-pusong nagpasalamat si Kara sa PR2533 flight crew matapos makatanggap ng sulat ng papuri at pa-package ng cookies na may tatak na ‘Dolce Mia’ (my sweet one).
Inihayag ng flight crew, sa pangunguna nina Capt. Demalata, FO. Sinaking, FA. Kylie, FA. Angel, FS. EJ at FS. Jon, ang kanilang paghanga kay Kara.
Pahayag nila, “Maraming salamat sa iyong tapat na serbisyo at walang kinikilingang paghahatid ng balita. Isa kang inspirasyon ng bawat Pilipino. Mabuhay ka!”
Samantala, patungo si Kara sa CDO para magturo ng media literacy at fact-checking sa 100 high school teachers mula Mindanao.
Agad na inulan ng magaganda at touching na komento mula sa mga netizens ang nakakakilig na post ni Kara.
Ilan sa mga komento ng mga netizens…
“Ang ganda ng daliri, kitang-kita ang husay at sipag.”
“Idol, have a safe flight. Waiting for the next Documentary… PAX SILICA.”
“Marami kaming naniniwala sa ‘yo kahit minsan, comedy ka, pero ‘yung impact mo, tagos. We need more journalists like you.”

%20-%20VICE%2C%20BINUGAHAN%20NG%20TUBIG%20SA%20MUKHA%20ANG%20BABY%20DOLLS%20MEMBER%2C%20NA-BASH%2C%20T.jpg)



Comments