Pati kamag-anak ng madir, binuhay… ICE, BREADWINNER NG PAMILYA SA EDAD NA 3
- BULGAR

- Aug 1
- 4 min read
Updated: Aug 5
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 1, 2025
Photo: Ice Seguerra - Bulgar
Matapos ang mahigit tatlong dekada sa showbiz at music industry, finally ay maglalabas na ng all-original full album ang singer-performer and now songwriter na si Ice Seguerra.
Sa ginanap na album launch and mediacon kahapon para sa Being Ice album na ire-release ng Star Music on August 8, nag-sample na agad si Ice ng tatlo sa walong original songs sa album.
Una ay ang Shelter of the Broken kung saan bago ito kinanta ni Ice ay nagkuwento muna siya sa mga depresyong pinagdaanan lalo na nu'ng panahon ng pandemic.
Nabanggit ni Ice na as early as 3 yrs. old pala nang pasukin niya ang showbiz ay naging breadwinner na siya ng pamilya.
At take note, kahit 4 lang sila ng kanyang mga magulang at isang kapatid, nagulat kami na super-dami palang binubuhay ni Ice.
Hindi nag-elaborate si Ice sa bigat ng kanyang responsibilidad bilang breadwinner, pero someone close to him ang nag-chika sa amin na nasa 25 katao ang tumira at naging kargo ni Ice while he was growing up.
Para palang si Karla Estrada ang late mother ni Ice na si Mommy Caring na sa sobrang generous ay sa kanila pinatira ang mga kapatid at pamilya ng mga ito at siyempre, lahat ng ‘yun ay naging responsibilidad ni Ice.
Kaya naman pala malaman at parang laging malungkot ang mga kanta ni Ice, mabigat pala ang pinagdaanan niya habang lumalaki.
Pero sa kabila noon, pinili pa rin daw niyang maging masaya kaya hindi naman niya masasabing traumatic ang kanyang naging kabataan.
Wala rin naman daw siyang naging regrets sa kanyang pagtulong.
Kaya look n'yo naman, super blessed pa rin siya until now at kahit ang dami nang baguhang singers, in demand pa rin ang isang Ice Seguerra at sunud-sunod pa nga ang mga concerts.
In fact, sa Sept. 12 and 13 nga, may two-night concert na naman siya sa Newport Performing Arts Theater titled Being Ice: Live! kung saan special guest niya sa first night ang ultimate idol niyang si Mr. Pure Energy Gary Valenciano habang sa second night naman ay ang kanyang itinuturing na second dad na si Vic Sotto.
Anyway, ang second orig song na ipinarinig sa amin ni Ice kahapon ay ang ‘Wag Na Lang Pala na tungkol sa itinatagong pag-ibig na hindi niya masabi noon sa taong gusto niya.
Ang ganda ng song at feeling nga namin, may potensiyal itong mag-hit tulad ng kanyang Pagdating ng Panahon.
Ang third song naman na isinulat at kinanta niya ay ang Nandiyan Ka na para naman daw sa kanyang namayapang ama.
Naging emosyonal si Ice habang ikinukuwento ang relasyon nila ng ama noong bata pa siya at ‘yung mga panahong ang feeling niya ay ipinaako na raw nito sa kanya ang responsibilidad para maging breadwinner nga ng kanilang pamilya.
Pero ang maganda naman, naging super close sila ng daddy niya nu'ng magkasakit na ito at sure kami na magiging super emotional na naman si Ice kapag kinanta niya sa Being Ice: Live ang Nandiyan Ka.
Oh, well, abangan sa Aug. 8 ang release ng Being Ice album at maki-emo tayo kay Ice habang kinakanta ang kanyang all-original songs.
GUEST speaker sa ginanap na Kamuning Bakery Pandesal Forum last Tuesday ang dating senador na si Nikki Coseteng kasama sina Prof. Dr. Rommel Banlaoi, (President, Philippine Society for International Security Studies; authority on geopolitics & security threats), Mr. Sonny Africa (Executive Director, IBON Foundation; London School of Economics graduate and leading analyst on economics, inequality, and development) at Dr. Lucio Pitlo III (Research Fellow, Asia-Pacific Pathways to Progress Foundation, foreign policy & security analyst).
Ang state of the nation ang naging topic ng forum lalo't katatapos lang ng SONA ni PBBM.
Dahil dati nga ring senador ang educator, nationalist activist, and fearless advocate for Philippine national interests na si Nikki Coseteng, hiningi namin ang opinyon niya sa hindi pagsipot ng ilang senador sa 4th SONA ni PBBM.
Aniya, “I don’t know what their reasons are for not attending. I remember before, hindi naman talaga sila pumupunta kasi minsan, wala naman sila dito o kung anuman ang dahilan, I cannot really speculate and think what their reasons are.”
“Pero hindi po ba part ng kanilang responsibility as public servants to attend the SONA?” tanong namin.
Honest answer niya, “Well, in my time when I was a senator, I attended all the SONAs but I don’t know how other’s feel about it. Even when I was not a senator anymore, I would get an invitation, and kung nandito ako, a-attend ako. Kung wala ako dito, eh, ‘di ibang commitment.
“I think if you’re an incumbent senator, it will be good for you to attend both houses.”
Well, inamin naman niyang dismayado siya na “in bad shape” ang state ng bansa natin ngayon at ang unsolicited advice lang niya kay PBBM ay magkaroon ng systematic communication sa mga cabinet members nito nang magawan ng maayos na solusyon ang mga problema ng bansa.
Sa tanong kung may balak pa siyang tumakbo uling senador para makatulong sa pagbabago, aniya sa ngayon ay wala na at 24 yrs. na raw siyang umalis sa pulitika.












Comments