ni Angela Fernando @News | August 21, 2024
Umabot na sa 396 katao ang namatay sa 'Pinas ngayong taon dahil sa dengue, habang patuloy na tumataas ang mga kaso ngayong tag-ulan, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Miyerkules.
Ayon sa pinakahuling datos mula sa DOH, ang 396 na pagkamatay ay naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 10, 2024. Mas mababa ito kumpara sa 421 na naitalang pagkamatay sa kaparehong panahon nu'ng 2023.
Tumaas din ng 24% ang mga kaso ng dengue mula 18,784 nu'ng Hunyo 30-Hulyo 13 patungong 23,290 nu'ng Hulyo 14-Hulyo 27. Tanging 13,369 kaso lamang ang naiulat mula Hulyo 28 hanggang Agosto 10.
Sa kabuuan, 150,354 kaso ng dengue ang naitala sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Agosto 10, na 39% mas mataas kumpara sa 107,953 kaso ng dengue sa kaparehong panahon nu'ng 2023.
Comentários