top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Patay sa 7.8 killer quake, 81 na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 27, 2026



Magnitude 7.8 - DILG PH

Photo: DILG


Umakyat na sa 81 ang bilang ng mga nasawi sa mapaminsalang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Sarangani at mga karatig-lugar, ayon sa pinakahuling ulat ng mga otoridad nitong Hunyo 26, alas-8 ng umaga.


Sa kabuuang bilang ng mga nasawi, 33 ay mula sa Sarangani, 27 sa South Cotabato, 20 sa Davao Occidental, at isa sa Davao del Sur.


Nasa 1,315 naman ang naitalang sugatan, habang 31 katao ang nananatiling nawawala.

Tinatayang umabot na sa P1.36 bilyon ang pinsala sa imprastraktura, habang 87,058 bahay ang napinsala—71,629 ang bahagyang nasira at 15,429 ang tuluyang nawasak.

Umabot naman sa P39.4 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page