Pastor pinagbabaril, dedo

ni Mai Ancheta @News | August 2, 2026

Photo: Circulated / FB
Patay ang isang pastor habang sugatan ang isa pa matapos tambangan ang kanilang sasakyan sa Brgy. Rizal, San Francisco, Agusan del Sur nitong Biyernes, July 31.
Kinilala ng pulisya ang bitkima na si Pastor Bhen Andaya, at isa ring lider ng Banwaon tribe habang sugatan ang isa nitong kasamahan.
Minamaneho umano ng pastor ang kanyang Mitsubishi Montero habang bumabaybay sa Brgy. Rizal nang pagbabarilin ng ilang kalalakihan.
Dead-on-the-spot ang pastor dahil sa dami ng tinamong tama ng bala sa katawan.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng pananambang at pagkakakilanlan ng mga salarin.





Comments