Pasok sa Magic 12… TITO, ‘DI KUKUNIN ANG SUWELDO BILANG SENADOR
- BULGAR
- 6 hours ago
- 4 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | May 14, 2025
Photo: Tito Sotto - IG
Among the showbiz peeps-politicians na pinalad din sa kanilang mga respective posts ay sina Tito Sotto, Erwin Tulfo at Lito Lapid sa Senado.
Sure kaming hindi kukunin ni Tito Sen ang kanyang sahod dahil ilalagay nga niya ito sa pondo para sa mga scholars na tinutulungan nila.
Promise naman ni Erwin na hindi masasayang ang boto ng sambayanan sa kanya.
Nanalo rin ang Baby Joaquin Domagoso namin bilang konsehal. Maaga ngang nag-concede si Sam Verzosa sa laban nila ni Yorme dahil mas naungusan pa siya ng incumbent mayor na si Honey Lacuna.
Nag-concede rin si Dan Fernandez sa Laguna bilang gov. na napanalunan ni Sol Aragones.
Sa mga Revilla sa Cavite, bukod-tanging si Sen. Bong Revilla ang natalo dahil big winner ang asawa niyang si Lani Mercado, pati ang anak na si Jolo at mga kapatid na sina Mayor Strike Revilla at Rowena Mendiola. Marami ring taga-showbiz ang nalungkot sa pagkatalo ni Sen. Bong. Marahil ay mas marami na siyang oras ngayon para sa kanyang mga nabinbin na showbiz plans.
Winners din sina Aiko Melendez at Alfred Vargas bilang mga konsehal sa Quezon City, habang balik-Kongreso rin si Arjo Atayde.
Sa Makati City, panalo uli si Jhong Hilario, at nag-number one naman si Angelu de Leon sa Pasig City bilang konsehal.
Lotlot o talunan naman sina Ejay Falcon, Abby Viduya, Marco Gumabao, Direk Lino Cayetano, Enzo Pineda, Marjorie Barretto, Victor Neri, Raymond Bagatsing, Arnold Vegafria, Direk Bobet Vidanes, Emilio Garcia, Angelika dela Cruz, Monsour del Rosario, Anjo Yllana, Ara Mina, Shamcey Supsup, Dennis Padilla, Ali Forbes, Aljur Abrenica, Bong Alvarez, David Chua, Ryan Yllana among other celebs, pero pinakamasakit na rin siguro ang pagkatalo nina Manny Pacquiao at Willie Revillame na sobrang ‘hopia’ na manalo, lalo na ang huli.
Sina Phillip Salvador at Jimmy Bondoc naman ay kitang-kita na nakakuha ng bonggang suporta mula sa Mindanao, obviously mula sa balwarte ng mga Duterte, dahil milyones ang nakuha nilang boto.
Nakakapanghinayang lang na kinapos si Benhur Abalos ng boto, lalo’t may maganda rin siyang record sa showbiz.
Si Imee Marcos nga, halos nag-delikado pa sa ika-12 puwesto sa mga senador, if only to prove na mahina na ang magic ng mga Marcos.
May nanalong Nancy Binay (Makati), habang may natalo namang Cynthia Villar (Las Piñas), mga dating senador natin.
Kahit ang pabonggang Cebu governor na si Gwen Garcia ay natalo rin, pati na ang mahal nating Albay Gov. na si Joey Salceda.
Ang movie producer na si Enrico Roque (kahit sobra ring binira ng mga kalaban) ay panalo rin sa Pandi, Bulacan at maging si Papa Vergel Meneses na muling nanalo bilang mayor ng Bulakan, Bulakan.
Siyempre, balik-Bulacan gov. at vice-gov. din sina Daniel Fernando at Alex Castro, pati na sina James Yap (San Juan), JC Parker (Pampanga) at Lou Veloso (Manila).
Hmmm…. sure kaming mahaba pa ang listahan. Hahaha!
Masaya ang karamihang madlang pipol sa resulta ng midterm elections dahil finally ay nakikita na nila ang noon pang sinasabi na ‘pagbabago’ sa ating electoral process.
Who would have thought na papasok sa top six ng senatorial race ang mga hindi naramdaman sa mga surveys gaya nina Bam Aquino, Kiko Pangilinan at Rodante Marcoleta?
Sa mga partial and unofficial results, consistent ang mga numero nila sa No. 2, 5 and 6 spot respectively.
Sa mga analysis ng mga political experts, tila buhay na buhay nga ang mga mababagsik na dugo ng new voters.
Pati ang mga celebrities na naging aktibo sa pag-endorse ng mga napusuan nilang kandidato ay todo rin ang pagpapakita ng powers nila, though hindi rin ito naging epektibo sa lahat.
Biggest winner din sa mga lugar nila ang mga dating pangulo at bise-presidente ng bansa na sina Digong Duterte (Davao City) at Leni Robredo (Naga City).
Bunsong si Ryan Christian, congressman na…
VILMA, WAGI ULING GOV., LUIS, TALONG VICE-GOV.
SIGURADO naman kaming ito na marahil ang pinaka-challenging na laban sa pulitika ng mahal nating Star for All Seasons Vilma Santos-Recto.
Sa tindi ng kanyang pinagdaanang mga intriga at paninira ng mga kalaban sa pulitika, nanaig pa rin ang pagmamahal at pagtitiwala sa kanya ng Batangas province.
Medyo kinulang nga lang sa numero ang bise-gobernador niyang si Luis Manzano na nakatunggali ang dating gobernador. But for a first timer, big victory na ‘yung nakuha niyang halos kalahating milyong boto.
Malungkot man marahil si Ate Vi dahil kitang-kita naman kung paano niya talaga sinuportahan si Luis, baka nga hindi pa ito ang perfect time for Lucky.
Mababalanse naman ang kanyang damdamin dahil magsisilbing congressman si Ryan Christian sa 6th District ng Batangas province.
Para sa isang 70+ years old, isa na nga si Ate Vi sa mga lingkod-bayan sa bansang ito na may napaka-consistent at magandang record sa pulitika. Tried and tested, ‘ika nga.
Just very like her showbiz career, sobrang relevant, significant and true to her moniker, Star for All Seasons – laging nasa panahon, mapa-boomers man, Gen X, Gen Z, millennial, alpha gen, atbp..
Huge congratulations!
Comments