Pasaherong namigay ng P5K, simbolo na mapagpala si god
- BULGAR

- Aug 5, 2020
- 2 min read
ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | August 5, 2020
Salaminin natin ang panaginip ni Rodney na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Suki ako ng BULGAR at nalungkot ako nang mawala ang BULGAR dahil sa Covid-19 pandemic. Jeepney driver ako at napanaginipan ko na pumasada ako at may pasahero akong babae. Ang suot niya ay pangkaraniwan lang, tapos nang bumaba siya, binigyan niya ako ng P5,000.
Laking-gulat ko at hindi ko agad tinanggap ‘yung pera, pero sabi niya, “Sa iyo na lang ‘yan, tulong ko sa pamilya mo.” Binilang ko ‘yung pera na ibinigay sa akin, tapos umalis na ‘yung babae, nakangiti ako nang binibilang ko ‘yung pera.
Sa totoong buhay, may asawa at tatlong anak ako. Napakahirap ng buhay at nabaon na kami sa utang. Kapag kumakain kami, kahit ano lang dahil wala namang trabaho.
Pero si misis ay nagtitinda ng pagkain sa umaga tulad ng pansit, sopas, tapos minsan ay spaghetti. Mayroon din siyang tinda na samalamig, na kumikita rin naman kahit paano.
Ano ang kahulugan ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rodney
Sa iyo Rodney,
Ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, walang katiyakan ang lahat kung ano ang mangyayari dahil hindi naman bumaba ang bilang ng nagkakasakit, bagkus, dumarami pa kaysa dati.
Puwedeng bukas, sobrang higpit ulit, puwede ring biglang magluwag. Ano’t anuman, kahit paano ay nakaka-survive kayo ng pamilya mo, kumbaga, para-paraan lang naman ang buhay sa panahon ng kalamidad.
Ang tunay na dahilan kung bakit napanaginipan mo na binigyan ka ng P5,000 ng iyong pasahero ay dahil gusto mong magkapera ng nasa libong piso. Kaya sa iyong panaginip, ito ay nagkatotoo.
Ang tanong sa tunay na buhay, magkatotoo rin kaya ito? Ang sagot ay oo dahil ang babae sa panaginip mo, sa totoo lang ay simbolo na mapagpala at maaawain si God.
Nagtataka ka siguro kung bakit babae Siya, gayung ang alam ng marami, si God ay lalaki.
Mali ang ganu’ng paniniwala, si God ay hindi lalaki o babae, walang gender ang spirit at dahil si God ang Holy Spirit, wala rin Siyang gender, as in, hindi Siya babae o lalaki.
Pero si God, tulad ng nasabi na may maamong kalooban at maawaing puso kung saan ang katangiang ito ay para sa feminine personality kaya si God sa panaginip mo ay nag-anyong babae. Baka magtakaka ulit, para malinaw, kahit ano’ng porma ay magagawa ni God, puwedeng Siya ay nasa anyong bata, matanda at anyong kasing-edad mo lang.
Minsan nga, si God, ayon kay Moses ay nasa anyong puno, nagliliyag na puno na siya ay kinakausap. Minsan naman, ang Holy Spirit nasa anyong ng kalapati.
Dahil si God ang nasa panaginip mo, mahirap lang paniwalaan pero sure na ikaw ay makakahawak ng libu-libong piso at puwedeng lagpas pa ito sa P5,000.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo







Comments