top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Pasahero ng habal-habal, nahulog, nasagasaan ng trak, todas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | August 17, 2026



PASAHERO NG HABAL-HABAL, NAHULOG, NASAGASAAN NG TRAK, TODAS

Photo: FP


Patay ang isang 28-anyos na babaeng pasahero ng habal-habal matapos mahulog sa motorsiklo at masagasaan ng trak na nagtangkang mag-overtake sa mga ito sa Osmeña Jr. Blvd., Brgy. Mabolo, Cebu City.


Kinilala ng Cebu City Police ang nasawing na si Dubhe Glayr Gador habang sugatan naman ang driver ng motor na si Silvino Bentoy, 64.


Ang driver ng truck ay kinilalang si Joel Lumasag, 47-anyos.


Batay sa imbestigasyon ng Traffic Enforcement Unit, makikita sa CCTV footage na magkasunod ang habal-habal at trak at tinangkang i-overtake ng trak ang motor kaya nahagip ito at tumilapon ang pasahero at nagulungan ng sasakyan.


Tinangka ng mga rescuer na dalhin sa ospital si Gador subalit hindi na ito umabot nang buhay dahil sa matinding tinamong pinsala.


Nabatid na papasok sana sa trabaho ang biktima ng mangyari ang insidente.

Hawak ng pulisya ang driver ng trak at sugatang driver ng habal-habal at inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property laban sa mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page