top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Parusa sa LGBTQ+, pinalagan

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 24, 2023
1 min read

nina Carlos Corpuz at Jenny Rose Albason (OJT) | March 24, 2023




Inilunsad ng US at United Nations ang pagpalag sa pagpapataw ng mabigat na kaparusahan at itinuturing na kriminal ang mga miyembro ng LGBTQ+, sa Uganda.


Nakiusap ang UN High Commissioner for Human Rights kay Ugandan President Yoweri Museveni na huwag umano nitong pirmahan ang nasabing panukalang batas, dahil para

sa UN ay paglabag ito sa karapatang pantao.


Kung mapipirmahan ang panukalang batas ay malalagay sa panganib ang buhay ng mga lesbian, gay at bisexual sa Uganda.


Ayon sa panukalang batas, aarestuhin umano ng mga awtoridad ng Uganda ang mga LGBTQ+ na mayroong parusang panghabambuhay na pagkakulong.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page