top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Partylist system sa ‘Pinas, nababoy dahil sa mga trapo, pwe!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2023
1 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | April 2, 2023



BAGONG SURVEY FIRM, BALIGTAD ANG MUNDO—Napataas ang kilay ng publiko sa napakataas na rating na ibinigay ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. sa 10 district congressmen at 10 partylist congressmen gayung wala namang nagmarka sa publiko na may nagawa ang mga ito para sa kapakanan ng bayan at mamamayan.


Tapos ‘yung may mga ginagawa talaga para sa ikabubuti ng sambayanan ay ibinagsak nila ang rating sa kanilang survey.


Dahil d’yan, masasabing baligtad ang mundo ng bagong survey firm na RP-Mission and Development Foundation, Inc. Boom!


***

MGA RESULTA NG SURVEY TUNGKOL SA MGA PULITIKO, PANG-UUNGGOY LANG SA PUBLIKO—Next time na maglalabas ng rating ang mga survey firm tungkol sa mga pulitiko, dapat ilagay nila ang detalye kung bakit binigyan nila ng mataas na marka ang Presidente, Bise Presidente, Senador at Kongresista.


At dahil walang ibinibigay na detalye kung bakit mataas ang rating ng mga pinapangalanan nilang pulitiko, lumalabas na pang-uunggoy lang sa publiko ang mga inilalabas nilang resulta sa kanilang mga survey, period!


***

PARTYLIST SYSTEM SA ‘PINAS, NABABOY NANG HUSTO—Dati, ang mga lumalahok lang sa partylist election ay mula sa sektor ng manggagawa, magsasaka, mangingisda, maralita, katutubo, health workers, kababaihan, kabataan at iba pang may marginalized sectors.


Pero ngayon, masyadong nababoy ang partylist system dahil ang mga traditional politicians (trapo) ay nagtatag ng sarili nilang partylist at ginagawang representante ang kanilang misis, mister at anak para magkaroon ng posisyon sa Kongreso. Buset!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page