top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Partylist ng mga trapo, dapat ibasura ng Comelec

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 25, 2024


PARTYLIST NG MGA TRAPO, DAPAT I-REJECT NG COMELEC -- Sa filing ng candidacy sa October 2024 ay dapat maghigpit ang Comelec patungkol sa mga partylist na lalahok sa 2025 midterm elections, na ‘yung mga partylist na nagre-represent sa marginalized sector ang tanggapin ang candidacy at i-reject ang mga partylist ng mga trapo (traditional politicians) na karaniwang nakapangalan sa region, probinsya, mga sikat na programa sa telebisyon, commercials, pangalan o alyas ng mga sikat na personalidad na wala namang nire-represent na marginalized sector.


Madali lang naman malaman kung pag-aari ng trapo ang partylist, kapag nakita ng Comelec na ang mga nominado ng partylist ay asawa, anak o kapatid ng trapo ay dapat i-reject na nila agad ‘yan dahil ang nire-represent lang n’yan ay interes ng pamilya ng trapo kasi wala naman silang nire-represent na marginalized sector, period!


◘◘◘


MGA TRAPO, NAMUMUHUNAN SA PAGGASTA SA PARTYLIST AT KAPAG NAGWAGI, BAWI ANG GINASTOS, MAY TUBO PA SA LAKI NG PORK BARREL -- Sa kalakaran ng partylist system sa bansa, ang ginagawa ng mga trapo ay namumuhunan sa paggasta sa itinatag nilang partylist.


‘Ika nga, gagasta ang trapo ng daan-daang milyong piso at kapag nanalo, bawi ang ginasta at may tubo pa, dahil sabi nga ni former Sen. Ping Lacson ay bilyunan na raw ang pork barrel sa Senado at Kamara, at ang mga nabibiyayaan daw nito ay ‘yung mga senador at kongresista na “malapit sa kusina” o dikit sa administrasyon, boom!


◘◘◘ 


LAST ELECTION, SANGKATUTAK NA PARTYLIST NG MGA TRAPO ANG NAGWAGI -- Ang dapat iboto ng mamamayan ay mga partylist na may nire-represent na marginalized sector tulad ng TODA para sa tricycle operators and drivers association, MANIBELA ng mga jeepney drivers, ACT-CIS para sa mga biktima ng pang-aapi, Anak-Pawis para sa mga maralita, manggagawa, mangingisda, Gabriela para sa kababaihan, ACT Teacher para sa mga guro, Kabataan para sa mga kabataan, Anak-Kalusugan para sa health care, Senior Citizens para sa mga lolo at lola, Magdalo at RAM para sa mga kawal at pulis, Bayan Muna para sa mamamayan, Agri para sa magsasaka, 1-Rider para sa mga riders, OFW para sa mga OFWs at CWS para sa mga construction workers.


Ilan lang ‘yan sa mga partylist na talagang may nire-represent na marginalized sector, ilan sa mga ‘yan ay nanalo at natalo, pero ang masaklap, karamihan sa mga nagwaging partylist last election ay partylist ng mga trapo, tsk!

◘◘◘


PARA MA-STOP ANG ILLEGAL GAMBLING SA LAGUNA,  ‘TOKHANGIN’ SINA ‘TOCE’AT ‘TSAN PARAK’ – ‘Yun daw STL-bookies at lotteng ni alyas “Toce” sa Laguna ay hindi pa rin tumitigil sa pangraraket sa mga mananaya, at ang dahilan daw kaya napaka-untouchable ng raket nito ay dahil sa proteksyon ng isang alyas “Tsan Parak”.


Sa totoo lang, kaya naman ipa-stop ang raket na STL-bookies at lotteng sa Laguna, ipa-“tokhang” lang nina PNP-Region 4-A Director, Brig. Gen. Kenneth Lucas at Laguna PD Col.  Gauvin Unos sina “Toce” at “Tsan Parak”, siguradong stop na ang illegal gambling sa Laguna, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page