top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Partida, daming nagugutom… DOT, gumasta ng P236-K para sa magarbong pagkain ng 13 katao

BULGAR
Jul 16, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 16, 2022


DAGDAG-SUWELDO AT PAGKONTROL SA INFLATION RATE ANG DAPAT ANG ISULONG NINA REP. TEVES AT REP. CARDEMA, HINDI RE-NAME NG NAIA—Magkasunod na nagsulong sina Negros Oriental Rep. Arnie Teves at Duterte Youth Partylist Rep. Ducielle Cardema na tanggalin na ang pangalang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Ayon kay Rep. Teves, ang dapat ipangalan sa paliparan ay Ferdinand E. Marcos International Airport (FEMIA), at para naman kay Rep. Cardema, ibalik ito sa dating pangalan na Manila International Airport (MIA).


Hay naku, imbes na pagtaas ng suweldo at pagbaba ng inflation ang isinulong ay 'yan ang pinagkakaabalahan nila sa Kongreso!


◘◘◘


NAGPAKALAT NG FAKE NEWS LABAN SA ANGAT-BUHAY NI EX-VP LENI, SUPALPAL KAY DSWD SEC. TULFO—Nagpalaganap na naman ng fake news sa social media ang mga trolls, na kesyo mula sa DSWD ang pinamimigay na relief goods ng mga volunteers ng "Angat-Buhay" Non-Governmental Organizations (NGO) ni ex-VP Leni Robredo sa mga biktima ng baha sa Ifugao.


Mabuti na lang at agad nilinaw ni DSWD Sec. Erwin Tulfo na fake news ang kumakalat sa social media na ginagamit ng Angat-Buhay ang mga relief goods ng DSWD sa pamimigay ng relief, kung saan ayon sa DSWD secretary ay nagkataon lang na napagsama sa bodega ng Ifugao Local Government Unit ang mga relief goods ng DSWD at relief goods ng "Angat-Buhay."


Kung hindi pa nagpalabas ng paglilinaw si Sec. Tulfo, malamang hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang fake news na ginagamit ng "Angat-Buhay" ang mga relief goods ng DSWD sa pamimigay ng relief sa mga biktima ng kalamidad.


◘◘◘


TANGGAPAN NI BERNA PUYAT SA DOT NOON, GUMASTA NG P236,500 PARA SA PAGKAIN NG 13-KATAO, WOW!—Ibinulgar ng Commission on Audit (COA) na ang tanggapan ni dating Tourism Sec. Berna Puyat ay gumasta ng mahigit P3.8 milyon sa meetings sa mga luxury hotels last year, at sa ginawang pagtilad-tilad ng ginasta, ang pinaka-shocking ay ang nagastos na P236,500 para sa pagkain ng 13 kataong dumalo sa pa-forum ng Department of Tourism sa Grand Hyatt sa Taguig City.


Mantakin n'yo, ang daming nagugutom na Pinoy, tapos nagawa ni ex-Sec. Puyat na gumasta sa kaban ng bayan ng P236,500 para sa magarbong pagkain ng 13 guests ng DOT sa hotel na ito!


◘◘◘


PAGGASTA NI BERNA PUYAT SA MAGARONG PAGPAPAKAIN SA MGA GUEST NG DOT NOON, GAWIN DIN KAYA NGAYONG DEPUTY GOVERNOR NA SIYA NG BSP?—Sa ngayon ay wala na sa DOT si ex-Sec. Puyat dahil naitalaga na siya bilang deputy governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).


Kaya't ang tanong: Ang paggasta kaya ni Puyat para sa magrabong pagkain ng mga naging guest ng DOT noon ay gawin kaya ulit niya ngayong nasa BSP na siya? Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page