Parehong kasama ang kani-kanyang bagong dyowa… ANDREA AT RICCI, ‘DI PINAGTAGPO SA BASKETBALL GAME
- BULGAR

- May 7
- 2 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | May 7, 2026

Photo: IG _blythe & _ricciiirivero
Katabi at katsikahan namin si Direk Johnny Manahan o mas kilala sa showbiz bilang si Mr. M habang ipinapakilala sa media ang 16 artists ng STAR WORX na tinawag na Block 1.
Tuwang-tuwa ito kapag binabanggit ng mga aspiring artists na nasa age bracket na 13-25 ang mga artistang ginawa niyang mga superstars o big stars sa industry simula noong ‘90s hanggang sa kasalukuyan.
“You made the right choice,” sey nito every time na halos majority ng mga kalalakihang newbies ay sinasabing idolo nila at nais tahakin ang same career paths nina Piolo Pascual, Jericho Rosales at John Lloyd Cruz.
Sa mga kababaihan naman ay talagang consistent si Bea Alonzo sa mga choices na nais ding idolohin ng mga ito.
Ang 16 hopefuls na bumubuo ng Star Worx Block 1 ay may pitong lalaki namely: Adam Buck, Amo Wilding, Chan Martin, Nico Matugas, Patrick Ballesteros, Spencer Capistrano at Wayne Leonard.
Mayroon namang siyam na mga batang babae na sina Carmela Lorzano, Celyn David, Kaitlyn King, Keisha Serna, Marthena Jickain, Nathalie Apollo, Rahil Gatali, Selina Griffin at Steph Razon.
Earlier on ay naianunsiyo rin ni Mr. M na ikakasal na si Bea kaya’t hindi namin pinalagpas ang pagkakataon na tanungin siya kung invited ba siya o pupuntahan niya ito.
“Yes, I was invited. Imbitado ako s’yempre,” proud pa nitong sagot sa aming tanong pero nang i-segue namin kung kailan siya lilipad patungong Spain kung saan doon napabalitang gaganapin ang tinatawag na Wedding of the Year sa showbiz, nag-hand signal ito sa amin ng ‘okay’ at hand gesture ng Star Worx na ala-Sheryl Cruz noong araw sa TV na nagsi-signal ng commercial break. Hahaha!
Meanwhile, pinag-uusapan ang mga naglabasang sexy photos ni Andrea ‘Blythe’ Brillantes sa socmed (social media) kung saan naka-Coachella costume raw ito pero ubod nang seksi.
Marami nga ang nagsasabing kung nagkataon na nakapunta si Blythe sa naturang music event na kilala sa buong mundo, sigurado raw na pagkakaguluhan ito at mangangabog ng ibang mga celebrities na rumarampa roon for publicity.
At dahil summer naman, impressed na impressed ang marami sa naturang summer body, look and aura ng bida ng A Secret in Prague (ASIP).
‘Yun nga lang, marami ang curious kung may basbas daw ba ito ng napapabalitang boyfriend niyang si Franchesko (Kiko) Juan Capistrano na biglang nanahimik sa socmed noong kasagsagan ng promo ng series ni Blythe with Enrique Gil.
May mga posts din kasi ang mayamang basketeer na halos parehung-pareho ng background ng mga posts ni Blythe na ibig sabihin daw ay lagi pa rin silang magkasama at never na nag-break as earlier reported.
May nagsasabi pa ngang sa last guesting ni Blythe sa PBA halftime, kung saan balitang sinadya na hindi sila pagtagpuin ng ex-BF nitong si Ricci Rivero na noo’y sinuportahan naman ni Juliana Gomez sa laro nito, ay nandoon din si Kiko.





I usually struggle to come up with a good warlock name, but this generator gave me a few solid options right away. It’s especially useful if you want something that sounds lore-friendly.
I found Eggy Car while looking for lightweight driving games, and the physics ended up being much better than I expected. The random terrain keeps every run different, so it never feels repetitive even after multiple attempts.