top of page

Parehong guhit ng mga palad, indikasyon na magkakatuluyan at makapag-a-abroad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 12, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | April 12, 2021




KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako at napansin kong kapareho ko siya ng palad. Parehong may dalawang Fate Line sa kaliwa at kanan naming palad, ano ang ibig sabihin nito?

  2. Pareho rin kaming may Travel Line, ibig sabihin ba nito ay makapag-a-abroad kami at sa ibang bansa kami maninirahan?

  3. Ganu’n kasi ang plano naming kung saan sa sandaling maikasal kami ay mag-a-apply kaming immigrant sa Canada. Matutupad ba ang plano at pangarap naming ito at sa inyong palagay, kami na ba ang magkakatuluyan?

KASAGUTAN

  1. Kapag medyo hawig o magkapareho ang guhit ng palad ng magkasintahan o mag-asawa, tama ka, ibig sabihin nito ay compatible kayo sa isa’t isa, lalo na at nagkataong tugma at compatible rin kayo sa Astro-Numerology na pag-aanalisa.

  2. Samantala, kapag “doubled fate line” o “doubled career line” (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanang palad, ito ay nangangahulugan ng dalawang hanapbuhay o dalawang sabay na source of income sa iisang panahon. Puwede ring sabihing dalawa ang source of income o trabaho mo.

  3. Kaya kung ganito ang Fate Line (arrow a.) n’yo ng boyfriend mo, maliwanag na maliwanag na magiging maalwan o produktibo ang inyong career at aspetong pampinansiyal sa panahon ngayong hindi pa kayo kasal at kahit mag-asawa na kayo.

  4. Samantala, kapag pareho naman kayong may Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanang palad, ito ay maliwanag na tanda na sa sandaling kayo ang nagkatuluyan, tulad ng inaasahan, pareho kayong makapag-a-abroad o matutupad nang kusa ang pangarap n’yong makapagtrabaho o maging immigrant sa Canada.

  5. Tungkol naman sa tanong mo na kung kayo na ang magkakatuluyan ng boyfriend mo. Eksakto ang tugon, kung saan hindi mo ba napansin, bukod sa pareho kayo ng Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) at Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.), kitang-kita rin na iisa ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan n’yong palad? Ibig sabihin, walang duda na kayo ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.


DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Aira, dahil magkamukha o halos magkapareho ang mga guhit sa kaliwa at kanang palad n’yo ng boyfriend mo at kung nagkataong kapwa medyo makapal o may energy ang inyong mga palad kapag sinalat, ibig sabihin ay tumatalbog-talbog, tiyak ang magaganap, hindi lang kayo magiging maligaya at compatible sa isa’t isa. Sa halip, uunlad din ang inyong pagsasama at anuman ang pangarapin n’yong dalawa, tiyak na matutupad ito tulad ng plano n’yong pag-i-immigrant sa Canada, na nakatakdang mangyari sa taong 2024 at sa edad mong 32 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page