Pareho sila ni Alden?... MAINE, BABU NA RAW SA EAT BULAGA, LILIPAT NA SA TV5
Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 20, 2021

Tuliro ngayon ang maraming fans ni Maine Mendoza dahil sa kumakalat na balitang iiwanan na niya ang Eat… Bulaga! at lilipat na sa TV5.
As of this writing, wala pang official na statement ang kampo ng Dubsmash Queen kung totoong aalis na siya sa EB!. Kaya, waiting ang kanyang mga loyal fans sa kanyang magiging desisyon.
Marami rin ang nag-aabang kung totoo ngang may negotiation na ang kampo ni Maine Mendoza sa TV5 at bibigyan na siya ng show sa Kapatid Network.
So, pareho na ba sila ni Alden Richards na mawawala na sa Eat…Bulaga!?
Hindi naman ikinababahala ng mga viewers ng EB! ang pamamaalam nina Alden at Maine sa longest-running noontime show. Nandiyan pa rin naman sina Vic Sotto at Joey de Leon kahit na work from home muna sila. Nasa studio naman sina Jose Manalo, Allan K, Paolo Ballesteros at Wally Bayola. Tumatayo naman ang Eat…Bulaga! kahit walang AlDub sa show.
Maganda ang segment na Bawal Judgmental na pinanonood ng marami. Mahigit apat na dekada na sa ere ang EB!. Isa na itong malaking institution na tumatak sa milyun-milyong viewers.
Kahit na sa gitna ng pandemic ay hindi bumibitiw ang mga viewers ng Eat…Bulaga!





Comments