Pareho raw makikinabang… VICE AT MVP, NAGSANIB-PUWERSA PARA MAKA-SURVIVE ANG TV INDUSTRY
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Rohn Romulo @Run Wild | August 15, 2026

Photo: IG _praybeytbenjamin
Inamin ni Asia’s Phenomenal Unkabogable Box Office Superstar Vice Ganda na matagal na ang negosasyon nila ng MediaQuest Holdings, Inc., pero ngayon lang ito naisakatuparan. Kaya naman, maituturing niya itong isang malaking blessing na dapat niyang ipagpasalamat.
“Masarap s’ya sa pakiramdam, gusto ko s’ya,” pag-amin ni Vice.
Aniya pa, “At dahil may kontrata, s’yempre, may bayad ‘yan, ‘di ba? Kaya iniisip ko lang, gusto ko ng ganito, magpapagawa ako ng ganito, magpapadala ako sa ganito.
“Kasi okay na naman ako, even without this contract, mabubuhay naman ako bukas.
“Kaya para saan kaya ang blessing na ‘to? Para sa akin ba lahat? Kakamkamin o sasarilinin ko lang ba ‘to?
“‘Di ba, sabi ko nga kanina, this is a win-win for me, for ABS-CBN or TV5 or MediaQuest and for everyone that I will be sharing this win-win.”
Ibinahagi rin ni Vice ang naging pag-uusap nila ni Mr. Manny V. Pangilinan (MVP) tungkol sa naganap na partnership.
Aniya, “Nu’ng nag-meet kami ni Sir MVP, meron akong narinig sa kanya na ‘di ko makakalimutan. Kasi nu’ng tinatanong ko ang sarili ko, before ako nag-decide, ‘Why will I enter into this agreement? What will it do to me?’
“Ano’ng maibibigay ko sa kanila? Ano’ng maibibigay nito sa audiences?
“At this very moment, naghihingalo naman talaga ang telebisyon. At ‘yung hamon na bukas o makalawa, baka wala nang manonood ng telebisyon dahil sa dami ng ibang libreng platforms, ‘yun ang isa pang bagay na ayaw kong i-embrace na, bukod sa pinaghahandaan, gusto ko na hangga’t makakaya natin na mga taga-industriya, ipaglaban natin na maipagpatuloy ang nasimulan natin.”
Pagpapatuloy pa ni Vice, “Kaya nang sinabi n’ya (MVP) sa ‘kin na, ‘At this point, we just need to unite because I have what you don’t have, and you have what I don’t have. So let’s just unite because the industry needs us to unite in order to survive.’
“So that’s very clear… So ‘pag pinagsama mo ‘yun, it’s a win-win for so many people.”
Inamin naman ng TV host-comedian na sumama ang loob niya sa TV5 nang biglang mawala ang It’s Showtime (IS) sa Kapatid Network.
Kuwento ni Vice, “A month or after na nawala kami sa TV5, meron nang talks, eh.
“Pero hindi, eh, dahil heartbroken pa ako, parang no muna dahil ‘di ako comfortable.
“It broke my heart at that time, pero ngayon, nakakatuwa dahil ang heartbreak, naghi-heal. Nagkaroon ng maraming learnings at puwede pang makabuo ng isang magandang relationship after a heartbreak.”
Samantala, natanong naman si Vice kung ano ang maaaring abangan ng audiences sa phenomenal partnership niya sa MediaQuest.
Sey niya, “I want them to expect, I want also to expect,” sagot niya.
“With the audience, I want to expect a pasabog na mga projects. Hello, ang dami n’yong pera, dapat pasabog talaga tayo, Sir MVP!
“‘Di ba, parang magtataka ang mga tao, ‘Ang dami namang pera, bakit parang tipid ang production?’ ‘Yung ganu’n.”
Dagdag pa niya, “Kidding aside, mag-expect sila ng same thing, ‘di ba? Ano ‘yung gusto ninyo sa akin, ano’ng hinahanap n’yo?
“You need laughter every day to help you through the day. You need to laugh, to escape every now and then—I will give that to you, with the help and support of MediaQuest.”
Naganap ang makasaysayang sandali nang sinelyuhan ni Vice Ganda at ng MediaQuest Holdings, Inc. ang kanilang phenomenal partnership noong Agosto 12, Miyerkules, sa The Lighthouse sa Meralco Center, kung saan nilagdaan ang two-year contract.
At dahil sa pagsasanib-puwersa, tinawag ni MVP si Vice na ‘Queen of All Networks’ na labis naman niyang ikinatuwa at ipinagpapasalamat dahil malaking blessing iyon para sa kanya.
Super-excited din siya sa content na gusto niyang gawin at sa challenge na kaakibat nito.
Dinaluhan ang naturang seremonya nina Chairman MVP, Ranvel Rufino, Head for Partnerships, People and Business Development, at Victorico P. Vargas, President at Chief Executive Officer (CEO) ng MediaQuest Holdings, Inc..





Comments