top of page

Parang walang nangyaring iskandalo… MARIS AT JENNINGS, WALANG HIYA-HIYA NA PINAPASOK ANG ISA’T ISA SA KUWARTO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 5
  • 2 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 4, 2025



Photo: Anthony Jennings at Maris Racal sa Incognito


Finally, lumabas na at napanood na ng mga nag-aabang ang karakter ni Maris Racal sa Incognito.


Masayang-masaya ang MaThon fans dahil may mga pakilig na eksena agad sina Maris at Anthony Jennings sa action series.


Sa husay gumanap ni Maris at sa ganda ng kemistri nilang dalawa on screen, hindi mo talaga maiisip na may pinagdaanan silang iskandalo.


“Wala lang, tuloy ang sarap, tuloy ang buhay sa kanila,” sey ng mga fans nila na aliw na aliw sa dalawa.


“Bongga! Para s’yang natural na Italyana kung magsalita at kumilos,” habol naman ng mga bumilib sa kikay portrayal ni Maris sa Incognito.


Hmmm… gaano nga kaya ka-true ang tsismis na kahit pa nga may pinagdaanang kontrobersiya ang dalawa ay halos wala raw ilangan o anumang pag-iwas na nagaganap sa kanila? 


Proof nga diumano ang paglalabas-masok nila sa “individual room” na naa-assign sa kanila kapag may project o ginagawa silang trabaho.

Ay, may ganu’n?



Mabait pa nga si Pia Wurtzbach sa ginawa nitong pagsagot sa isang basher kaugnay ng pag-wish ditong mabuntis lang sana ng mister na si Jeremy Jauncey pero iwan din pagkatapos.


Hindi man pinangalanan ng dating Miss Universe ang naturang pakialamera at toxic na basher, hindi nito pinalampas ang kagaspangan ng naturang netizen.

“It’s exhausting and hurtful din, ha? Let’s stop normalizing this kind of online behavior,” bahagi ng isinagot na post ni Pia.


Isa nga si Pia sa mga fashion icons na laging laman ng mga socmed (social media) updates at hindi nga ba, sila ni Heart Evangelista ang madalas na pinagsasabong sa mga isyu?


May mga defenders si Pia na nagsasabing “napuno” na marahil ang queen nila, kaya’t nagawa nitong sumagot, though para nga sa marami ay napaka-tame pa at mabait nito kumpara sa ginawa ng basher laban sa kanya.



MEANWHILE, kung hindi pa nagkuwento si BB Gandanghari sa mga bago niyang episodes sa buhay-Amerika, hindi pa malalaman ng madla ang pinagdaraanang proseso ng ina nila na may signs of dementia na pala.


Sa interbyu ni BB kay Julius Babao, naikuwento nitong mas higit niyang nauunawaan ngayon ang ina dahil sa naging trabaho niya dati bilang caregiver sa Amerika. Pati ang dati niyang isyu sa kanyang ama ay nai-relate niya sa mga inalagaang “matatanda” na itinuring niyang tatay at nanay.


Naibahagi rin niyang sobra siyang naapektuhan nang yumao ang kanyang Kuya Royette noong pandemic na hindi man lang niya nakita o nakausap.


Sa mga pinagdaanan daw niya ngayon at sa pag-aming hindi na siya bumabata, nagbabalak siyang magtrabaho uli sa likod ng camera once na matapos niya ang pag-aaral sa USA ngayong taon.


Marami naman ang nagtataka at nagtatanong sa kung ano raw ba ang sitwasyon nila ng kapatid niyang senador na si Robin Padilla na kung tutuusin naman daw ay kayang-kayang magbigay ng oportunidad sa kanya dahil sa posisyon nito?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page