top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

“Parang sinunog ang bahay namin” — Sharon Cuneta

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2020
  • 2 min read

ni Twincle Esquierdo - | July 15, 2020




“Parang sinunog ang bahay namin” ito ang binitawang salita ni Sharon Cuneta sa kanyang instagram account matapos mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN. Ayon sa kanya ay okay lang na hindi sumang-ayon ang ilang tao na hindi mabigyan ng prangkisa ang network ngunit ang hindi niya matanggap ay kung kausapin sila ay pasigaw at parang mga criminal. Saad niya, “Pinadaan pa sa 13 pandinig ang mga boss namin sa ABS-CBN na ang ilan, hindi lahat, pero ang ilan sa Kongreso ay kung kausapin sila ay pasigaw at parang mga kriminal na mamamatay tao na halos ang mga kausap,”

“Parang paulit-ulit lang ang mga tanong pero sinagot ng mapagkumbaba, disente, umamin sa mali at nangako sa harap ng milyong-milyong Pilipino na babaguhin ang mali. Wala namang kahit sinong kumpanya o tao ang perpekto. Tapos, napakabilis pala lang ng desisyong huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN,” dagdag pa nito

Sinabi rin niya na maraming pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsara ng ABS-CBN at ang relasyon nito sa network ay hindi perpekto.

“May isang senador na nagsabing maghanap na lang daw ng bagong trabaho ang 11,000 mahigit na empleyadong may mga pamilyang apektado ng pagkawala ng hanapbuhay na ito, gayong may mga 16 million na yatang Pilipino ang nawalan ng trabaho at maraming negosyo na ang napilitang magsara sanhi ng COVID-19. Saan at paano hahanap ng trabaho?” Sinabi ni Sharon

“Ganoon naman kami -- may kanya-kanyang show sa kanya-kanyang panahon kasi iilang araw lang naman meron sa isang taon at ilang oras lang sa isang araw.”

“Ayoko din ang napanood kong dinaanan ng ilang workers na 'di nabigyan ng kontrata at hanggang sa tinanggal ay temporary pa rin at biglaan pa. Sumama ang loob ko doon para sa kanila. Pero kung nabigyan ako at nila Angel ng pagkakataon, sana nakausap namin ang mga boss at kahit paano ay nakatulong kami sa ilang daang mga kuya naming alam namin kung gaano kahirap ang mga naging trabaho. Sana nabigyan pa ng pagkakataon ang mga namamahala na itama lahat ng pagkakamali,” dagdag pa nito.

Ngunit nangako naman ito na hindi niya iiwanan ang ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak “not going to leave my captain during these most troubled times.”

Saad niya, “Parang sinunog ang bahay namin. Parang pinatay na rin ang pamilya namin, lalo na ang 11,000 na hindi ganon ganon lang makakahanap ng trabaho ngayon lalo sa panahong ito. Sabi ko nga, personally, sa akin lang mag-isa, para akong nagulat na na-FPJ style na suntok na sunod-sunod na sinabayan pa ng mga ala Pacquiao na suntok din. Pero mabuti na rin ang sabay-sabay, para isang malaking sakit na lang,”

Nagpasamat din si Sharon para sa mga taong nagdarasal para sa kanya at para sa ABS-CBN, hindi na rin siya nagpapaapekto sa mga negatibong nangyayari sa kanyang buhay. “Peace of mind and of existence na lang ang ine-enjoy ko ngayon. 'Di na ako nagpapaapekto sa negatibo. Salamat po sa lahat ng nagdasal at nagdadasal para sa akin. Salamat din po sa mga nagdasal at nagdadasal pa para sa ABS-CBN. Bilog po ang mundo. At buhay na buhay ang Diyos. Siya ang may hawak at may alam ng lahat ng mangyayari bukas,” aniya

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page