Parang panaginip lang daw, Mariel… VINA, 'DI MAKAPANIWALA NA TOGETHER AGAIN SILA NI ROBIN
- BULGAR

- Sep 7, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 7, 2020

Balik-tambalan ang dating magdyowang Robin Padilla at Vina Morales sa isang musical sitcom na Kesaya Saya! na mapapanood sa Net 25.
Naka-post sa Facebook page ng Net 25 nu'ng Sept. 5 ang nasabing show at ini-repost ng singer-actress sa kanyang social media account.
Caption ni Vina, “PWEDE PAKIGISING PO AKO. Parang nananaginip ata ako.”
Sina Vina at Binoe ay nagkasama sa pelikulang Ang Utol Kong Hoodlum (1991) at Miss na Miss Kita: Ang Utol Kong Hoodlum 2 (1992), Eto Na Naman Ako (2000), at sa Bonifacio: Ang Unang Pangulo (2014).
Para hindi magkaroon ng isyu sa balik-tambalan ng dating magkarelasyon, agad na nagpasintabi si Vina kay Mariel Rodriguez, ang misis ni Binoe.
“Hugs to you...” sey ni Vina.




Comments